𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗜𝗗!
𝟭. Gumising nang maaga at maligo.
𝟮. Isuot ang iyong pinakmaayos na kasuotan.
𝟯. Bago lumabas ng bahay, mag-almusal muna o kumain ng gansal na bilang ng bunga ng datiles katulad ng ginawa ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan).
𝟰. Habang paparoon sa pook dasalan, bigkasin nang katamtamang lakas ang mga sumusunod: “Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar, Laa illaaha illallah. Allah Akbar, Allah Akbar, Allah Akbar, wa Lillaahil-hamd.”
“Ang Allah ay Dakila, ang Allah ay Dakila, ang Allah ay Dakila. Walang diyos maliban sa Allah. Ang Allah ay Dakila, ang Allah ay Dakila, ang Allah ay Dakila, at ang lahat ng papuri ay nauukol lamang sa Allah.
𝟱. Maagang pumunta sa pook dasalan upang makakuha ng puwesto.
𝟲. Sumama sa kongregasyon sa pagdarasal ng Eid.
𝟳. Makinig sa sermon (pangaral) ng Imam.
𝟴. Ang Zakatul Fitr ay dapat maibigay ito bago ang Salah (ng Eidul Fitr). At ang sinumang maibigay niya ito pagkatapos ng Salatul Eid, ito ay maituturing na isang pangkaraniwang Sadaqah na lamang.
𝟵. Masayang batiin ang iyong mga kaibigang Muslim, at kahit ang mga Muslim na hindi ninyo kilala.
𝟭𝟬. Kung iyong magagawa, dumaan sa ibang daanan sa inyong pag-uwi kaysa tumahak muli sa dating dinaanan noong pumunta sa pook dasalan ng Eid.
𝟭𝟭. Ipagdiwang ang masayang araw na ito sa paraang matapat na naaayon sa tradisyon ng Islam.
#NewMuslimPH
#RamadanPH1444
www.NewMuslimAcademy.ph