Skip to main content
BlogsUncategorized

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—›๐—”๐—ฆ๐˜‰๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ช๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ (๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ข๐˜ฐ)๐˜ข๐˜ต ๐˜๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ชโ€™๐˜ข๐˜ฉ (๐˜๐˜ด๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ด)

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—›๐—”๐—ฆ ๐˜‰๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ช๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฉ (๐˜•๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ

Binuod ni:
Dr. Haytham Muhammad Jameel Sarhaan
Dating Tagapagturo sa Al Masjid An Nabawiy
Tagapangasiwa โ€“ Maโ€™had As Sunnah

๐—จ๐—ป๐—ฎ: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—”๐—น๐—น๐—ฎ๐—ต – ๐—ง๐—ฎโ€™๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ

Karapatan ni Allah na Siya ay sambahin nang nag-iisa at walang anumang katambal, at maging alipin Niya na nagpapasakop at nagpapakumbaba sa Kanya, sumusunod sa Kanyang mga Utos, lumalayo sa Kanyang mga ipinagbabawal, at nagpapatotoo sa Kanyang mga Kapahayagan.

Katangi-tanging Aqeedah (Paniniwala): Pananampalataya sa Katotohanan at ang Mabuting Gawa ay may bunga.

Saligan ng Aqeedah: Ang Mahabbah (Pagmamahal) at ang Taโ€™zeem (Pagdakila).

Bunga ng Aqeedah: Ikhlaas (Kadalisayan ng Layunin) at Muthaabarah (Pagsisikap).

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ถ ๐—”๐—น๐—น๐—ฎ๐—ต ๏ทบ

Karapatan ng Sugo ni Allah ๏ทบ na siya ay pagpitaganan, igalang, at dakilain. Ang karapat-dapat na pagdakila sa kanya ๏ทบ ay walang halong pagmamalabis at pagkukulang.

Nararapat siyang paniwalaan sa kanyang mga sinabi hinggil sa mga naganap sa nakaraan at magaganap sa hinaharap. Nararapat rin sundin ang kanyang mga utos at lumayo sa kanyang ipinagbabawal. Dapat maniwala na ang kanyang Gabay ay ang pinakaganap na Patnubay. Dapat ding ipagtanggol ang kanyang Batas at Pamamaraan.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด

Karapatan ng mga magulang na sila ay pakitunguhan ng mahusay sa pamamagitan ng pagiging mabuti sa kanila โ€“ gawa at salita โ€“ sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtulong. Dapat sundin ang kanilang utos kung ito ay hindi pagsuway kay Allah o makapipinsala.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ฎ๐—ธ

1. Tarbiyyah (Edukasyon): Pagpapa-unlad ng Relihiyon at Mabuting Asal sa kanilang mga sarili hanggang sa sila ay lumaki ng naaayon dito.

2. Pagtustos sa kanilang mga pangangailangan nang walang pagmamalabis at pagkukulang.

3. Pagiging makatarungan sa kanila sa pagtuturing at pagkakaloob.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ

Karapatan ng mga kamag-anak na patibayin ang ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng pagpaparangal, pagtulong, at pagbibigay ayon sa kanilang pangangailangan at lakas ng pagkakamag-anakan.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

Karapatan ng mag-asawa na makipamuhay sa bawat isa ng maayos na pakikisama at ibigay ang karapatan ng bawat isa nang may pagpapa-ubaya, pagpapagaan, at walang pagkamuhi at pagpapaliban.

Kabilang sa karapatan ng asawang babae sa kanyang kabiyak: pagbibigay ng obligadong pagtustos sa pagkain, inumin, pananamit, tirahan, at iba pang katulad nito. Gayundin, nararapat na siya ay maging makaturangan sa lahat ng kanyang asawa.

At kabilang naman sa mga karapatan ng asawang lalaki sa kanyang may-bahay: pagsunod sa kanya sa anumang bagay maliban sa pagsuway kay Allah, at pangangalaga sa kanyang mga lihim at kayamanan. Gayundin, nararapat niyang iwasan ang anumang gawain na magwawaglit sa kanya sa kaganapan ng pagniniig.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—ป

Karapatan ng mga pinamumunuan sa kanilang mga pinuno: pagtataguyod ng Amaanah (Ganap na Tiwala) na iniatang ni Allah sa kanila at inobliga ang pagtataguyod nito tulad ng katapatan sa kanyang mga nasasakupan, at pagsubaybay sa kanila sa pagtahak sa Tamang Landas ayon sa Kabutihang maka-Mundo at Kabilang-Buhay. Ang lahat ng ito ay sa pamamagitan ng pagtahak sa Landas ng mga Mananampalataya.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ผ: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†

Ang kapitbahay: sinumang naninirahan na malapit sa iyo. Makitungo ng mabuti sa kanya sa abot ng kakayanan sa pamamagitan ng yaman, karangalan, at pakinabang. Iwasan ang pamiminsala sa kanila โ€“ ito man ay sa salita o gawa.

1. Kung siya ay malapit mong kamag-anak at Muslim, siya ay may tatlong karapatan: pagka-kapitbahay, kamag-anakan, at Islam.

2. Kung siya ay Muslim subalit hindi mo kamag-anak, siya ay may dalawang karapatan: pagka-kapitbahay at Islam.

3. At kung siya ay hindi mo kamag-anak at hindi rin Muslim, siya ay may isang karapatan lamang: pagka-kapitbhay.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—บ: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐˜‚๐˜€๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป

Kabilang sa mga karapatang ito ang pagsagot sa pagbati ng Salaam, pagpapa-unlak sa paanyaya, pagpapayo kung hinihingi ito, pagsasabi ng โ€œyarhamukallahโ€ (Kaawaan ka ni Allah) kapag bumahing at nagsabi ng โ€œalhamdulillah” (Papuri kay Allah), pagdalaw kung may karamdaman, at papigil sa pinsala sa kanya.

Marami ang karapatan ng mga Muslim sa kanyang kapwa Muslim. Maaari na ang pangkalahatang kahulugan nito ay ang sinabi ng Sugo ๏ทบ: โ€œAng Muslim ay kapatid ng kanyang kapwa Muslim.โ€ Sapagkat kapag itinaguyod ang gawaing tumutukoy sa Kapatirang ito, siya ay magsusumikap na gawin ang lahat ng makabubuti para sa kanyang kapwa at iwasan ang lahat ng makapipinsala sa iba.

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚: ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐——๐—ถ-๐— ๐˜‚๐˜€๐—น๐—ถ๐—บ

Tungkulin ng Namamahala sa mga Muslim ang manungkulan sa mga Di-Muslim sa pamamagitan ng Batas ng Islam ukol sa kanilang buhay, kayamanan, at karangalan. Gayundin, nararapat niyang ipatupad ang mga hudood (hangganang parusa) sa kanila sa anumang kanilang pinaniniwalaang sagrado. Nararapat din para sa Namamahala na pangalagaan sila at iwasan ang pamiminsala sa kanila.

Nararapat din na maging iba sila sa mga Muslim sa kanilang pananamit, at iwasan ang paglalantad ng mga bagay na kinamumuhian sa Islam o mga bagay na natatangi sa kanilang relihiyon tulad ng kampana at krus.

#NewMuslimPH
www.NewMuslimAcademy.phย 

See less

โ€” in Philippines.

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x