1.) Ang Hijra ay tumutukoy sa paglalakbay ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) mula sa Makkah tungo sa Madina. Ang Hijri ay kaugnay ng pang-uri na salita.
2.) Ito ay ang simulang bahagi ng Islamikong Kalendaryo.
3.) Ang bilang ng taon ay sinusundan ng AH, na karaniwang nauunawaan bilang “Pagkatapos ng Hijra (Paglalakbay)”, na ang aksaktong kahulugan ay Anno Hegirae, “Sa Taon ng Hijra”.
4.) Ang Hijri ay binubuo ng 12 mga buwan at 354 na mga araw.
5.) Ang unang buwan ay ang Muharram, at ang huli ay ang Dhul-Hijrah. Ang Ramadan ay ika-9 na buwan ng taon.
6.) Ito ay nakabase sa sistema ng Lunar o buwan at ang buwanang pag-ikot ng orbito ng buwan. Ang bawat buwan ay nagsisimula sa pagtingin sa bagong buwan.
7.) Ang pagtingin sa buwan ay isang Islamikong kaugalian sa buong mundo upang matukoy ang opisyal na pagsisimula ng bawat buwan.
8.) Ang bawat buwan ay binubuo ng 29 o 30 mga araw.
9.) Ang mga buwan ay umiikot bawat taon sapagka’t ang kalendaryong lunar ay hindi nakapirmi, hindi tulad ng kalendaryong Gregoryan na nakabase sa sistemang solar.
10.) Ang mga buwan ay banayad na umiikot sa buong panahon bawat taon sa loob ng 12 araw. Ito ang dahilan kung bakit minsan ang Ramadan ay nasa panahon ng tag-init at ang ibang panahon ay sa taglamig.
11.) Ang mga Kalendaryo ay kalimitang ginagawa sa loob ng buong taon batay sa mga kalkulasyon nguni’t ang mga ito ay maaaring magbago depende sa mga pagtingin sa buwan.
12.) Maraming mga gawaing pagsamba tulad ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan, ang obligadong kawang-gawa ng Zakat at ang paglalakbay sa Makkah o Hajj ay nakabatay sa kalendaryong Lunar.
#Hijri See