𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗠𝗔𝗗𝗔𝗡
Katha ni Abu Nabeelah Vallena
Bawat taon, bawat sandali, tunay naming minimithi,
Ramadan – O Dakilang Buwan ay makapiling na muli,
Panahon para pagbutihan lahat ng asal at gawi,
Magsigasig sa pagsamba – ito ma’y lantad o kubli.
Ipinahayag ni Allah sa Dakilang Buwan ng Ramadan,
Kanyang dalisay na Salita – ang Maluwalhating Qur’an,
Nagsisilbing Gabay at Patnubay para sa Sangkatauhan,
Malinaw na Paliwanag ng mga Batas at Pamantayan.
Sa Buwan ng Ramadan iniutos ni Allah – ang Dakila,
Mag-ayuno! O kayong lahat na mananampalataya,
Ito ay Utos na itinakda rin sa mga taong sinauna,
Upang tayong lahat nawa ay magkaroon ng Taqwaa.