Sa nalalapit na pagsapit ng araw ng pasko mainam na malaman ng bawat muslim ang tamang katayuan ng Islam patungkol sa pakikilahok ng muslim sa pagdiriwang ng pasko.
Ang mga sumusunod ay ang mga kadahilanan na magbibigay ng linaw kung bakit hindi maaring makilahok ang muslim sa pasko;
Una; ang pakikilahok ng muslim sa pagdiriwang ng pasko ay Haram batay sa napagkaisahan ng mga iskolar ng Islam, sapagkat ito nangangahulugan ng pagkilala at pagtanggap sa gawain ng mga di muslim na pagsamba nila sa ibang panginoon maliban kay Allah, kaya pati ang pagbati sakanila sa araw ng pasko ay haram din, bagkus ito ay katumbas ng pagbati sakanilang pagsamba sa Krus o kay Hesus.
At kahit pa hindi pinaniniwalaan ng isang muslim ang pagiging panginoon ni Hesus ay bawal parin na makilahok siya sa pagdiriwang ng pasko, dahil ang isang muslim ay pinagbawalan na kanyang kilalanin (irecognize) ang maling pagsamba at kawalan ng pananampalataya kay Allah.
Sinabi ni Allah sa Qur’an:
(إِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ عَنْكُمْ وَلَا يَرْضَى لِعِبَادِهِ الْكُفْرَ) الزمر: 7
Ibig-sabihin: (Kung kayo ay tumangging manampalataya O kayong mga tao! katotohanan si Allah ay walang pangangailangan sa inyo, at hindi Niya tinatanggap sa Kanyang mga alipin ang pagtanggi).
Pangalawa; Hindi nakikilahok sa pasko ang mga muslim sapagkat nakassad sa Qur’an na ang isa sa katangian ng isang muslim ay ang hindi niya pagsali at pagdalo sa anumang kaarawan na bukod tangi lamang para sa ibang relihiyon maliban sa Islam.
Sinabi ni Allah;
(وَالَّذِينَ لَا يَشْهَدُونَ الزُّورَ وَإِذَا مَرُّوا بِاللَّغْوِ مَرُّوا كِرَامًا) الفرقان:72
Ibig sabihin: “At yaong hindi tumitestigo sa (Zur) o kasinungalingan at hindi dumadalo sa umpukan ng mga hindi makatotohanang usapin”.
At ipinaliwanag ng mga iskolar ng Islam ang ibig-sabihin ng zur na ito ay ang mga pagdiriwang ng mga hindi mananampalataya.
Pangatlo; Hindi maaring makilahok ang isang muslim sa pasko sapagkat ipinagbawal sa Islam na gayahin o kopyahin ng muslim ang anumang kaugalian o anumang pamamaraan na bukod tangi lamang para sa mga hindi muslim.
Sinabi ni Propeta Muhammad (S.A.W); “Ang sinumang gagaya sa ibang relihiyon siya ay kabilang na sakanila”. Iniulat ni abu dawod.
At ang dahilang kung bakit pinagbawalan ang muslim na gumaya sa pamamaraan ng mga hindi muslim sapagkat ang panggagaya sa kanila ay nagpaparamdam sa kanila na mas mataas ang kanilang antas kaysa sa mga muslim, at nagpaparamdam din ito ng pagiging maliit at mababaw sa katayuan ng muslim.
Pang-apat; hindi maaring sumali ang isang muslim sa pasko dahil ang kaarawang ito ay walang katotothanan pati na sa relihiyon ng kristyanismo. Sapagkat ang katotohanan ay ang mga paganong romano ang silang nagpasok sa relihiyong kristyanismo ng pagdiriwang ng pasko. Ito ay naganap sa kapanahunan ni haring Constantine makaraang niyang yakapin ang kristyanismo.
At mapapatunayan sa 2Qur’an na si Hesus ay hindi ipinanganak sa ika 25 ng disyembre, sapagkat ito ay panahon ng taglamig. Bagkus siya ang ipinanganak sa panahon ng tag-init.
Sinabi ni Allah sa Qur’an;
(وَهُزِّي إِلَيْكِ بِجِذْعِ النَّخْلَةِ تُسَاقِطْ عَلَيْكِ رُطَبًا جَنِيًّا) مريم: 25.
Ibig-sabihin; (At yugyugin mo ang puno ng palmera ng na nasa iyong harapan, na sasanhiin na malalaglag sa iyo nang kusa ang mga sariwang bunga ng ‘Tamr o dates’).
Na kung saan ang puno ng palmera ay nagbubunga lamang sa tuwing tag-init.
Panglima: sa pagsali ng muslim sa paggunita ng pasko ay nawawala sakanya ang tamis ng paggunita niya sa selebrasyon ng Islam, at ito ay ang Eidul fitr at Eidul Adha, sapagkat ang sinumang bubuhay ng iba pang selebrasyon maliban sa dalawang selebrasyon ng Islam ang epekto nito ay nalalabag niya ang batas ni Allah at nagiging sanhi ng paglaho ng pagpapahalaga sa ipinag-utos ni Allah.
Sapagkat sa Islam ay mayroon lamang dalawang anibersaryo na wala na nang iba pa.
Nakasaad mula kay Propeta Muhammad (Sallallahu alaihi wasallam) na noong siya ay dumating sa Madina natagpuan niya ang mga tao roon na ginugunita nila ang pagdiriwang sa dalawang araw na selebrasyon sa bawat taon na ginagawa nila mula pa sa kapanahunan ng Jahiliyah (ang panahon bago si Propeta Muhammad), Kung kaya ipinahayag niya sakanila: “Katotohanan ang Allah ay pinalitan na sainyo ang dalawang araw na inyong ipinagdiriwang; ang Eidul Fitr at Eidul Adha”.
Sa pahayag na ito ni Propeta Muhammad (s.a.w) ating nalaman na ang Allah ay may ipinalit na Siya sa mga pagdiriwang ng mga hindi muslim at ito ay ang eidul Fitr at Eidul Adha.
Kung kaya ang tanung: papaanu natin pagsasamahin ang ipinagdiriwang sa Islam at ang ipinagdiriwang ng ibang relihiyon? Samantalang ang pagbibigay ng kapalit sa anumang bagay ay nangangahulugang pag-iwan sa lahat ng pinalitan! Sapagkat hindi maaring pagsamahin ang ipinalit sa pinalitan.
Bilang buod ng mga naunang paglilinaw; hindi maari sa isang muslim ang makilahok sa pagdiriwang ng pasko sa kahit na anung paraan, kabilang na dito ang pagdalo sa kanilang imbetasyon, pagbati sakanila, paghandog ng regalo, pagbenta ng mga crhistmas tree o anu pamang paninda na may kaugnayan sa pasko, gayundin hindi maari na makikain o makiinum o makisama sa ngalan ng pasko.
Isinulat ni;
Shaykh Abdullah Abtahi عبد الله أبتاهي NMA-PH Online Teacher
Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me.
Thank you for your sharing. I am worried that I lack creative ideas. It is your article that makes me full of hope. Thank you. But, I have a question, can you help me?
After reading your article, I have some doubts about gate.io. I don’t know if you’re free? I would like to consult with you. thank you.
Your point of view caught my eye and was very interesting. Thanks. I have a question for you. https://accounts.binance.com/id/register?ref=V2H9AFPY
Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me.
Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me. https://accounts.binance.com/ru-UA/register-person?ref=T7KCZASX
I am a website designer. Recently, I am designing a website template about gate.io. The boss’s requirements are very strange, which makes me very difficult. I have consulted many websites, and later I discovered your blog, which is the style I hope to need. thank you very much. Would you allow me to use your blog style as a reference? thank you!
Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me. https://accounts.binance.com/es/register-person?ref=53551167