𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝗸𝗮𝘆 𝗛𝗲𝘀𝘂𝘀 (𝗔𝗦)
Laban sa Tamang Paniniwala ng mga Muslim tungkol kay Hesus (AS)
𝘗𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘯𝘨𝘬𝘪𝘯
Pagiging isang Diyos ni Hesus (AS)
𝙋𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙪𝙨𝙡𝙞𝙢
Si Hesus (AS) ay isa sa pinaka-dakilang Sugo ng Allah, nguni’t hindi Diyos o anak ng Diyos o isang bahagi ng trinidad.
Ang pagpapalagay o paniniwala sa pagka-Diyos ni Hesus (AS) o sinuman maliban sa Allah ay tinanggihan ng Islam at itinuturing na lapastangan sa Allah.
𝘗𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘯𝘨𝘬𝘪𝘯
Ang Diyos ni Hesus (AS) ay iba kaysa sa Diyos ng mga Muslim, ang Allah.
𝗔𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙪𝙨𝙡𝙞𝙢
Ang Allah ay ang wastong pangalan sa wikang Arabe para sa Nag-iisa at Tunay na Diyos. Ang lahat ng Sugo ng Allah, kabilang si Hesus (AS), ay nanawagan sa pagsamba sa Nag-iisang Diyos, ang Allah.
𝘗𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘯𝘨𝘬𝘪𝘯
Mga Himala – Si Hesus (AS) ay pinagkalooban ng kapangyarihan ng Allah sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa patay at iba pa.
𝗔𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙪𝙨𝙡𝙞𝙢
Ang Allah ay makapangyarihan sa lahat ng bagay, at pinagkalooban Niya (ng Allah) ang ilan sa Kanyang mga Sugo ng ilang mga himala bilang mga palatandaan upang suportahan ang kanilang ministeryo at patunayan ang kanilang pagiging totoo. Gayunpaman ang Allah lamang ang siyang kumokontrol sa lahat ng mga bagay.
𝘗𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘯𝘨𝘬𝘪𝘯
Inangkin ni Hesus (AS) na siya ay anak ng Diyos at sumang-ayon na siya ay sambahin.
𝗔𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙪𝙨𝙡𝙞𝙢
Si Hesus (AS) ay nanawagan lamang para sa eksklusibong pagsamba sa Allah. Sa Araw ng Paghuhukom, ay itatanggi ni Hesus (AS) ang maling pahayag na ito at itatanggi ang mga kasinungalingan na iniuugnay sa kanya tulad ng nakasaad sa Banal na Qur’an. [5:116 – 117]
𝘗𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘯𝘨𝘬𝘪𝘯
Pagpako sa Krus – Si Hesus (AS) ay namatay sa krus para tubusin ang ating mga kasalanan.
𝗔𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙪𝙨𝙡𝙞𝙢
Si Hesus (AS) ay itinaas sa Paraiso ng Allah at kailanman ay hindi ipinako sa krus. Muli siyang babalik sa pagtatapos ng panahon at kabilang sa antas ng tunay na mga mananampalataya, ang mga Muslim.
𝘗𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘯𝘨𝘬𝘪𝘯
Si Hesus (AS) ang tanging daan tungo sa Allah.
𝗔𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙪𝙨𝙡𝙞𝙢
Paunang sinabi ni Hesus (AS) ang pagdating ng huling Sugo ng Allah, si Muhammad (ﷺ). Dapat tanggapin ng tunay na mga naniniwala si Propeta Muhammad (ﷺ) at sumunod sa kanya upang makamit ang kaligtasan.