Skip to main content
BlogsRamadan

Mga Terminolohiyang Ginagamit sa Ramadan

Maaaring marinig mo ang ilang mga salita sa wikang Arabe at katawagan sa panahon at kabuuan ng buwan ng Ramadan

  • Ramadan – ika-9 na buwan sa Islamikong kalendaryo ng Lunar at ang buwan ng pag-aayuno.
  • Hilal – Ang bagong gasuklay na hugis ng buwan na nagpapahiwatig  sa pagsisimula ng bawat buwan ng lunar, kabilang ang Ramadan. Nagpapahiwatig din ito sa pagtatapos ng buwan ng Ramadan kapag nagsimula ang bagong buwan.
  • Ramadan Mubarak – isang pagbati kapag sumasapit ang Ramadan, na ang ibig sabihin ay ‘Magkaroon ng Mapagpalang Ramadan.”
  • Sawm/Siyam – ang salitang Arabe sa pag-aayuno.
  • Suhur – ito ay ginagamit sa pagtukoy sa pagkain bago sumapit ang madaling-araw sa paghahanda para sa araw ng pag-aayuno.
  • Iftar – literal na tumutukoy sa pagputol ng pag-aayuno. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagtukoy sa pagkain o pagkain sa paglubog ng araw sa pagtatapos ng pag-aayuno.
  • Tamr – ang bunga ng datiles, kung saan inirerekomenda na unang kainin sa pagputol ng pag-aayuno.
  • Tarawih – ang termino para sa hindi obligadong mga pagsamba na iniaalay sa gabi pagkatapos ng araw-araw na panalangin ng Isha. Ito ay binubuo ng ilang bilang ng dalawang yunit na panalangin. Ito ay madalas na ipinagdarasal sa kongregasyon nguni’t maaari ring ialay na magisa.
  • Qiyam – isa pang anyo ng hindi obligadong mga pagsamba sa gabi. Maraming mga Muslim ang pinipiling magsagawa ng karagdagang pagdarasal sa huling sampung gabi ng Ramadan at madalas na nag-aalay nito hanggang sa huling ikatlong bahagi ng gabi.
  • Witr – ang humigit-kumulang na bilang ng opsyunal na panalangin na iniaalay sa pagtatapos ng gabi pagkatapos ng lahat ng iba pang mga panalangin na natapos na.
  • I’tikaf – ang panahon ng pag-iisa sa isang masjid na kadalasang ginagawa sa huling sampung gabi ng Ramadan, kung saan ginugugol ng isang tao ang lahat ng kanilang oras sa masjid sa pagsamba sa Allah.
  • Laylat Al-Qadr – ang Gabi ng Natatanging Kalagayan na nangyayari sa isang kakaiba sa huling sampung gabi ng Ramadan. Tinumbasan ng Allah sa Qur’an ang gabing ito ng mahigit sa isang libong buwan na gantimpala.
  • Zakah – Ang haligi ng Islam ng kawang-gawa na dapat bayaran ng isang beses sa isang taon ng lunar para sa mga may kakayahan sa pananalapi at kwalipikado dito. Ito ay hindi kailangang ibigay sa Ramadan nguni’t kadalasang ginagawa ng maraming mga Muslim.
  • Zakat Al-Fitr – ang obligadong kawang-gawa na ibinibigay sa mga mahihirap ng bawat Muslim sa huling ilang araw ng Ramadan. 
  • Eid Al-Fitr – Ang isa sa dalawang panrelihiyong pagdiriwang para sa mga Muslim. Ito ay nagpapahiwatig sa pagtatapos ng buwan ng Ramadan. Ang Pagdiriwang sa Pagtatapos ng Pag-aayuno.

Para sa mga iba pang aralin tungkol sa Ramadan, Sundan ang Link

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x