Skip to main content
Blogs

Ang Ritwal na Pagkakatay at Pag-aalay sa Islam

Ang Ritwal na Pagkakatay at Pag-aalay sa Islam

Ang pangalawang taunang pagdiriwang ng mga Muslim sa taon ay tinawag na Eid ul-Adha, ang Pagdiriwang ng Pag-aalay. Ang mga Muslim sa buong mundo ay minarkahan ang araw na ito ng pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsamba sa Allah at pagpupuri sa Kanya. Ang isa sa mga pangunahing gawaing pagsamba na lubos na hinihikayat sa araw na ito ay ang ritwal na pagkatay ng partikular na mga hayop. Si Propeta Muhammad (SAWS) ay nag-aalay ng ritwal na pagkatay na ito at hinikayat ang kanyang mga tagasunod na gawin ito, kung sila ay may pinansyal na kakayahan. Ang Muslim ay maaaring magkatay ng ilang mga hayop sa buong taon para sa iba’t-ibang dahilan, tulad ng paghahanda para sa kasalan, o sa pagsilang ng isang sanggol, sa pasasalamat sa Allah. Ang isa ay maaari ring magkatay ng isang hayop para kainin. Karamihan sa mga tao ay hindi nagkakatay ng isang buong hayop para sa pagkain ng karne, sa halip ay pupunta sa kanilang lokal na Halal na pamilihan o lehitimong taga-katay ng karne at bibili ng anumang karne na kanilang kailangan.  

Gayunpaman, ang ritwal na pagkakatay sa araw ng Eid ul-Adha, kung saan ito ay ginaganap mula sa ika-10 – 13 araw ng huling buwan ng Islamikong kalendaryo, ang panahon na marami ang mag-aalay ng hayop sa ritwal na pagkatay. May ilang mga bagay na kailangan na naroroon upang ang ritwal na pagkakatay ay maging tama:

1.) Ang gawaing ito ng pagsamba ay obligado para sa mga may kakayahang pinansyal. Dapat itong isagawa ng pinuno ng tahanan o kung sinuman sa pamilya ang may pinansyal na kakayahan na gawin ito. Ang isang hayop ay sapat na para sa buong pamilya. Ang mga mahirap at nangangailangan ay hindi kailangang mag-alay ng sakripisyong ito.

2.) Para sa ritwal na pagkakatay sa araw ng Eid ul-Adha, ang hayop na iaalay ay kailangan na galing lamang sa partikular na uri ng mga hayop, tulad tupa, mga kambing, baka o kamelyo.

3.) Ang hayop ay dapat na umabot sa pinakamababang edad upang maging karapat-dapat para sa ritwal, kung saan anim na buwan para sa isang tupa, isang taon para sa kambing, dalawang taon para sa baka, at limang taon para sa isang kamelyo.

4.) Ang hayop ay dapat na malusog. Hind ito dapat na pilay, maysakit, payat, o halatang may depekto tulad ng nawawalang paa.

5.) Ang ritwal na pagkakatay para sa Eid ul-Adha ay nagsisimula pagkatapos ng pagdarasal ng Eid sa kongregasyon sa ika-10 araw ng Dhul-Hijjah (ang ika-12 buwan ng Islamikong kalendaryo), at tumatagal hanggang sa paglubog ng araw sa ika-13 araw ng Dhul-Hijjah.

6.) Ang magsasagawa ng ritwal na pagkatay ay dapat na isang Muslim na nasa wastong gulang na may kaalaman sa mga alituntunin ng pagkakatay.

7.) Ang isang tao ay dapat na sambitin o bigkasin ang pangalan ng Allah sa pamamagitan ng pagsasabi ng Bismillah,Sa Ngalan ng Allah, habang isinasagawa niya ang ritwal na pagkatay. 

8.) Kung maaari, ang hayop ay nakaharap sa direksyon ng Makkah (ang Qiblah) bago ang ritwal na pagkatay.

9.) Ang ritwal na pagkatay ay dapat isagawa gamit ang isang matalas na kagamitan tulad ng kutsilyo. Ito ay upang mabilis na matapos ang pagkatay at may pinaka-maikling paghihirap sa hayop. 

10.) Ang hayop ay dapat tratuhin ng mahinahon at hindi muna tinakot, e.g. sa pamamagitan ng paghahasa o pagpapatalas ng isang kutsilyo sa harap nito bago katayin.

11.) Ang ritwal na pagkatay ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagputol sa daluyan ng hangin o lalaugan at daluyan ng dugo, malalaking ugat sa leeg ng hayop sa pamamagitan ng paghiwa sa lalamunan. Ang ulo ng hayop ay hindi ganap na naputol, hindi rin naputol ang utak ng gulugod.

12.) Ang lahat ng dugo ay dapat na pinatulo mula sa katawan ng hayop bago magpatuloy sa pag-aalis ng balat at paghiwa sa hayop.

13.) Ang karne ng kinatay na hayop na inalay sa Eid ul-Adha ay dapat hatiin sa tatlong bahagi: ang isang ikatlo ay kakainin ng nag-alay at ng kanyang sambahayan, ang isang ikatlo ay ibibigay sa mga kaibigan at pamilya, at ang isang ikatlo ay ipapamahagi sa mahirap at nangangailangan.

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x