Ang Qur’an ay ang huling salita ng Allah sa sangkatauhan. Ito ay naglalaman ng lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan upang sambahin ang Allah at mabuhay ng matiwasay at ganap na pamumuhay habang naghahanda para sa kanilang buhay sa Kabilang Buhay. Ginagawa ito ng Qur’an sa pamamagitan ng pagtuturo sa atin ng tungkol sa pangunahing mga paksa na kailangan nating malaman.
Ang Qur’an ay labis na nakatuon sa pagtataguyod ng wastong mga paniniwala. Kung walang tamang paniniwala sa Nag-iisa at Tanging Tunay Diyos, ay walang tunay na tagumpay. Sinabi sa atin Allah magnilay sa mga palatandaan na inilagay Niya para sa atin. Ang mga simbolo ng sansinukob, sa sarili nating likha at mga katawan, at sa pag-ikot ng buhay na nakikita natin sa ating paligid. Inilarawan ng Allah sa atin ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbanggit ng Kanyang mga pangalan at mga katangian , dahil ang mga ito ay nagpapahintulot sa atin na mahalin Siya, igalang Siya, at sambahin Siya sa pamamagitan ng pasasalamat at pagsunod. Lumilikha ito sa loob natin ng kamalayan sa Allah na tinitiyak na ang ating paniniwala sa Allah ay nagmula sa puso, at tuloy-tuloy sa publiko at pribado.
Sinabi rin sa atin ng Allah ang katotohanan ng kamatayan at ang buhay pagkatapos ng kamatayan. Sa pamamagitan ng paniniwala sa Araw ng Paghuhukom, ay alam natin na ang lahat ng ating ginagawa dito sa mundo ay tatanungin at hahatulan ng Allah at tayo ay mananagot. Ipinaalam sa atin ng Allah ang tungkol kay Satanas at kanyang masamang mga balak nang sa gayon tayo ay magkaroon ng kamalayan sa kanila at matutong protektahan ang ating mga sarili mula sa kanila. Binanggit din ng Allah ang ibang paraan ng paniniwala at ang mga relihiyong gawa ng tao at ang kanilang mga kamalian at mga pagsasalungat.
Ang Qur’an ay nakatuon sa mga kasaysayan ng nakalipas na mga nasyon, mga Sugo ng Allah at kanilang mga tagasunod at nga kalaban. Ang mga kasaysayan ay kinapapalooban ng maraming mga pangyayari mula sa buhay ni Propeta Muhammad (SAWS). Ang mga kasaysayan ay naglalaman ng mga aral, moralidad, at mga batas. Halimbawa, ang kasaysayan ay maaaring tungkol sa pakikibaka ng isang Sugo ng Allah sa kanyang pamilya o sa kanyang kalusugan. Sinasabi sa atin ng kasaysayan ang mga katangian na ipinakita ng Sugo at ang paraan na nalagpasan niya ang kahirapang ito at ang pagsubok. Ang mga aral na ito ay para sa sinuman na nakakaranas ng parehong sitwasyon.
Tinatalakay sa Qur’an ang mga batas at mga kautusan. Ito ay ang mga obligasyon na iniatang sa atin ng Allah tulad ng ritwal na pagsamba, mga parametro sa transaksyong pananalapi, at mga alituntunin ng pamilya. Pinahihintulutang nito ang mga Muslim na pangasiwaan ang kanilang mga sarili sa paraan na mas higit na makalulugod sa Allah at kapaki-pakinabang sa iba. Ang mga kautusang ito ay naglalaman din ng mga pagbabawal sa masasamang mga gawain tulad ng aborsyon, pagpatay at pagnanakaw, o mga bisyo na makasasama sa tao tulad ng pakikiapid, sodomiya, pangangalunya, pag-iinom at pagsusugal.
Sinasabi ng Qur’an tungkol sa pag-unlad o pagpapabuti ng pag-uugali. Hinihikayat tayo nito na isama ang mabuti at banal na mga katangian na makakatulong sa atin na protektahan tayo mula sa Satanas habang nakikinabang ang ating mga sarili at ang iba. Ito ang mga katangiang tulad ng pag-alala sa Allah, pagiging tapat at mabait, pagiging maawain sa iba, mapagbigay at hindi pagpansin sa mga manloloko. Kabilang dito ay ang kabaligtaran; mga masasamang pag- uugali at nakapipinsala, tulad ng pagiging kuripot, pagsisinungaling, at panloloko.
Katulad ng huling bahagi, ang Qur’an ay nakatuon din sa pag-unlad ng pang-espiritwal na pag-uugali. Kabilang dito ang mga panloob na gawain at mula sa puso. Halimbawa, pagmamahal sa Allah, pagtitiwala sa Kanya, umaasa sa Kanyang gantimpala at pagkatakot sa Kanyang perusal. Katulad nito, ang mapaminsalang pang-espiritwal na mga katangian o pag-uugali ay binigyang-diin din tulad ng galit, inggit at pagmamataas.
Ang Qur’an ay nagbibigay sa sangkatauhan ng ganap at kapaki-pakinabang na patnubay sa pamamagitan ng mga tema at mga paksang tinatalakay nito. Ang Daan tungo sa Kaligtasan ay ang ipatupad ang Qur’an sa buhay ng isang tao upang makamit ang gantimpala mula sa Allah at maging matagumpay sa buhay na ito at sa kabilang buhay.