Skip to main content

Walang isinasagawang pagpapabinyag sa Islam subalit may gawaing tinatawag na Aqeeqah. Isinasagawa sa pamamagitan ng pagkatay ng kambing bilang pag-aalay at pasasalamat kay Allah sa kanyang biyayang ipinagkaloob sa mga magulang ng sanggol. Isang kambing ang kakatayin kung babae ang bagong ipinanganak at dalawang kambing naman kapag lalaki. Ang kambing ay kakatayin sa ikapitong araw makalipas ang kapanganakan.

Sinabi ng Sugo (ﷺ) mula sa salaysay ni Samurah (radiyallahu ‘anhu):
«كُلُّ غُلَامٍ رَهِينَةٌ بِعَقِيقَتِهِ، تُذْبَحُ عَنْهُ يَوْمَ سَابِعِهِ وَيُحْلَقُ وَيُسَمَّى»�
“Lahat ng lalaking ipinanganak (gayundin ang mga babae) ay sangla sa pmamamagitan ng kanilang Aqeeqah. (Kaya’t) magkakatay sa kanyang ika-Pitong araw, aahitan, at papangalanan.” Iniulat ni Imam Abu Dawud

Gayundin, nabanggit rin ng Propeta (ﷺ):
)( من ولد له ولد فأحب أن ينسك عنه فلينسك عن الغلام شاتان مكافأتان وعن الجارية شاة ))

“Sinuman ang biniyayaan ng sanggol at nais niyang magkatay para rito – hayaan siyang magkatay. Para sa lalaki ay dalwang kambing (tupa) na sapat ang katangian at para sa babaeng (sanggol) ay isa.” Iniulat ni Imam abu dawud at Nasa’iy
Sa ikapitong araw rin ay kakalbuhin o aahitin ang buhok ng sanggol. Ang buhok na naahit ay titimbangin ang bigat katumbas ng halaga nito sa pilak (silver). Ang halagang ito ay ipamimigay ng tatay ng sanngol sa mahihirap na mga Muslim bilang sadaqah (kawang-gawa).

Nararapit rin ikapitong araw ng bata ay mabigyan siya ng magandang pangalan kung di pa siya napangalanan pagkapanganak.

AngAqeeqah ay sunnah o maigting na iminumungkahi ayon sa isang opinyon ng mga Ulama (mga pantas ng Islam), subalit ayon naman sa iba ito ay wajib (obligado) sa tatay ng sanggol sa ikapitong araw mula ng maipanganak ang kanyang anak. Kung ito ay mahirap para sakanya ay maaari naman sa ika-labing apat na araw (14th day), o sa ika-dalawampu’t isang araw (21st day) ng kanyang sanggol. At kung mahirap pa rin ito para sa kanya ay kahit sa anumang araw na lamang pagkatapos nito.

Ang karne ng kambing na kinatay ay hahatiin ito sa tatlong bahagi: isang bahagi ay ihahanda para pagsaluhan; isang bahagi naman ay ipamimigay; at isang bahagi ay itatabi para para kainin sa mga susunod na mga araw. Gayunpaman, maaari rin naman na kainin lahat ang mga karne para sa pagsasalu-salo ng mga Muslim.

Ang Aqeeqah ay hindi binyag para sa bagong panganak sapagkat sa Islamikong Paniniwala, ang lahat ng ipinanganak ay ganap na mga Muslim – sumusunod, sumusuko, at tumatalima sa Batas ng Tagapaglikha. Ito ay ginagawa upang pasalamatan si Allah sa Kanyang Kabutihang-loob at bilang pagsunod sa Sunnah ng mahal na Propeta Muhammad (ﷺ).

#aqiqah
#Philippines
#newmuslimPH
www.NewMuslimPH.com

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x