Binuod ni:
Dr. Haytham Muhammad Jameel Sarhaan
Dating Tagapagturo sa Al Masjid An Nabawiy
Tagapangasiwa โ Maโhad As Sunnah
๐จ๐ป๐ฎ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐น๐น๐ฎ๐ต – ๐ง๐ฎโ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ
Karapatan ni Allah na Siya ay sambahin nang nag-iisa at walang anumang katambal, at maging alipin Niya na nagpapasakop at nagpapakumbaba sa Kanya, sumusunod sa Kanyang mga Utos, lumalayo sa Kanyang mga ipinagbabawal, at nagpapatotoo sa Kanyang mga Kapahayagan.
Katangi-tanging Aqeedah (Paniniwala): Pananampalataya sa Katotohanan at ang Mabuting Gawa ay may bunga.
Saligan ng Aqeedah: Ang Mahabbah (Pagmamahal) at ang Taโzeem (Pagdakila).
Bunga ng Aqeedah: Ikhlaas (Kadalisayan ng Layunin) at Muthaabarah (Pagsisikap).
๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ด๐ผ ๐ป๐ถ ๐๐น๐น๐ฎ๐ต ๏ทบ
Karapatan ng Sugo ni Allah ๏ทบ na siya ay pagpitaganan, igalang, at dakilain. Ang karapat-dapat na pagdakila sa kanya ๏ทบ ay walang halong pagmamalabis at pagkukulang.
Nararapat siyang paniwalaan sa kanyang mga sinabi hinggil sa mga naganap sa nakaraan at magaganap sa hinaharap. Nararapat rin sundin ang kanyang mga utos at lumayo sa kanyang ipinagbabawal. Dapat maniwala na ang kanyang Gabay ay ang pinakaganap na Patnubay. Dapat ding ipagtanggol ang kanyang Batas at Pamamaraan.
๐๐ธ๐ฎ๐๐น๐ผ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐๐น๐ฎ๐ป๐ด
Karapatan ng mga magulang na sila ay pakitunguhan ng mahusay sa pamamagitan ng pagiging mabuti sa kanila โ gawa at salita โ sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtulong. Dapat sundin ang kanilang utos kung ito ay hindi pagsuway kay Allah o makapipinsala.
๐๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ธ
1. Tarbiyyah (Edukasyon): Pagpapa-unlad ng Relihiyon at Mabuting Asal sa kanilang mga sarili hanggang sa sila ay lumaki ng naaayon dito.
2. Pagtustos sa kanilang mga pangangailangan nang walang pagmamalabis at pagkukulang.
3. Pagiging makatarungan sa kanila sa pagtuturing at pagkakaloob.
๐๐ธ๐ฎ-๐น๐ถ๐บ๐ฎ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ
Karapatan ng mga kamag-anak na patibayin ang ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng pagpaparangal, pagtulong, at pagbibigay ayon sa kanilang pangangailangan at lakas ng pagkakamag-anakan.
๐๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ป๐ถ๐บ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ
Karapatan ng mag-asawa na makipamuhay sa bawat isa ng maayos na pakikisama at ibigay ang karapatan ng bawat isa nang may pagpapa-ubaya, pagpapagaan, at walang pagkamuhi at pagpapaliban.
Kabilang sa karapatan ng asawang babae sa kanyang kabiyak: pagbibigay ng obligadong pagtustos sa pagkain, inumin, pananamit, tirahan, at iba pang katulad nito. Gayundin, nararapat na siya ay maging makaturangan sa lahat ng kanyang asawa.
At kabilang naman sa mga karapatan ng asawang lalaki sa kanyang may-bahay: pagsunod sa kanya sa anumang bagay maliban sa pagsuway kay Allah, at pangangalaga sa kanyang mga lihim at kayamanan. Gayundin, nararapat niyang iwasan ang anumang gawain na magwawaglit sa kanya sa kaganapan ng pagniniig.
๐๐ธ๐ฎ-๐ฝ๐ถ๐๐ผ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ป๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐๐บ๐๐ป๐๐ฎ๐ป
Karapatan ng mga pinamumunuan sa kanilang mga pinuno: pagtataguyod ng Amaanah (Ganap na Tiwala) na iniatang ni Allah sa kanila at inobliga ang pagtataguyod nito tulad ng katapatan sa kanyang mga nasasakupan, at pagsubaybay sa kanila sa pagtahak sa Tamang Landas ayon sa Kabutihang maka-Mundo at Kabilang-Buhay. Ang lahat ng ito ay sa pamamagitan ng pagtahak sa Landas ng mga Mananampalataya.
๐๐ธ๐ฎ-๐๐ฎ๐น๐ผ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐
Ang kapitbahay: sinumang naninirahan na malapit sa iyo. Makitungo ng mabuti sa kanya sa abot ng kakayanan sa pamamagitan ng yaman, karangalan, at pakinabang. Iwasan ang pamiminsala sa kanila โ ito man ay sa salita o gawa.
1. Kung siya ay malapit mong kamag-anak at Muslim, siya ay may tatlong karapatan: pagka-kapitbahay, kamag-anakan, at Islam.
2. Kung siya ay Muslim subalit hindi mo kamag-anak, siya ay may dalawang karapatan: pagka-kapitbahay at Islam.
3. At kung siya ay hindi mo kamag-anak at hindi rin Muslim, siya ay may isang karapatan lamang: pagka-kapitbhay.
๐๐ธ๐ฎ-๐๐ถ๐๐ฎ๐บ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐๐๐น๐ถ๐บ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Kabilang sa mga karapatang ito ang pagsagot sa pagbati ng Salaam, pagpapa-unlak sa paanyaya, pagpapayo kung hinihingi ito, pagsasabi ng โyarhamukallahโ (Kaawaan ka ni Allah) kapag bumahing at nagsabi ng โalhamdulillah” (Papuri kay Allah), pagdalaw kung may karamdaman, at papigil sa pinsala sa kanya.
Marami ang karapatan ng mga Muslim sa kanyang kapwa Muslim. Maaari na ang pangkalahatang kahulugan nito ay ang sinabi ng Sugo ๏ทบ: โAng Muslim ay kapatid ng kanyang kapwa Muslim.โ Sapagkat kapag itinaguyod ang gawaing tumutukoy sa Kapatirang ito, siya ay magsusumikap na gawin ang lahat ng makabubuti para sa kanyang kapwa at iwasan ang lahat ng makapipinsala sa iba.
๐๐ธ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ-๐ ๐๐๐น๐ถ๐บ
Tungkulin ng Namamahala sa mga Muslim ang manungkulan sa mga Di-Muslim sa pamamagitan ng Batas ng Islam ukol sa kanilang buhay, kayamanan, at karangalan. Gayundin, nararapat niyang ipatupad ang mga hudood (hangganang parusa) sa kanila sa anumang kanilang pinaniniwalaang sagrado. Nararapat din para sa Namamahala na pangalagaan sila at iwasan ang pamiminsala sa kanila.
Nararapat din na maging iba sila sa mga Muslim sa kanilang pananamit, at iwasan ang paglalantad ng mga bagay na kinamumuhian sa Islam o mga bagay na natatangi sa kanilang relihiyon tulad ng kampana at krus.
#NewMuslimPH
www.NewMuslimAcademy.phย
See less
โ in Philippines.