Binanggit ng Allah ang walong mga tumatanggap o mga karapat-dapat tumanggap ng obligadong kawang-gawa sa Kabanata 9, talata 60 ng Qur’an. Sila ay:
- Ang Mahihirap – ito ang mga tao na walang anumang salapi o mayroong napakakaunti nito, ang mga naghihirap sa araw-araw.
- Ang mga Nangangailangan – ito ang mga tao na may kaunting kayamanan, nguni’t hindi ito sapat na matugunan ang kanilang pangunahing mga pangangailangan.
- Mga Tagapangasiwa – ito ang mga tao na nakatalaga sa pangongolekta o pamamahagi ng obligadong kawang-gawa sa isang Islamikong bansa, at sa gayon ay nangangailangan ng sahod para sa kanilang trabaho.
- Nakipagkasundo – ito ang mga tao na bagong yakap sa Islam at dahil dito ay naputol ang kanilang kayamanan o nanggaling sila mula sa mahirap na pamilya, at nangangailangan ng pinansyal na tulong. Maaari rin itong ibigay sa ibang partikular na tao.
- Pagpapalaya – ang mga alipin at ang mga nasa pagkaalipin na may pagkakataong bilhin ang kanilang kalayaan ay maaaring matulungan sa pamamagitan ng obligadong kawang-gawa.
- Pagkakautang – ang mga may utang ay maaaring matulungan sa pamamagitan ng obligadong kawang-gawa.
- Sa Kapakanan ng Allah – ito ay upang matulungan ang mga taong nagsusumikap para sa layunin ng Islam.
- Hindi Makauwing mga Manlalakbay – ito ay partikular para sa mga nasa ibang bansa, naubusan ng salapi at walang paraan ng pagkuha sa mga pondo, upang matulungan silang makauwi.