Ang obligadong kawang-gawa, Zakah, ay isa sa limang haligi ng Islam. Ito ay madalas na tinutukoy bilang ikatlong haligi ng Islam gaya ng madalas na binabanggit ang hanay na ito sa mga pahayag ni Propeta Muhammad (SAWS). Sa paraang nauugnay sa wika, ang salitang ‘Zakah’ ay nangangahulugan ng kadalisayan at pag-unlad/pagtaas. Ito ay ginagamit upang ilarawan ang obligadong kawang-gawa dahil ang obligadong kawang-gawa ay nagpapadalisay ng kayamanan, at nagdadala ng mga biyaya ng Allah na humahantong sa pagdami ng kabutihan at gantimpala. Ang salitang ‘Zakah’ kadalasan ay ginagamit lamang upang ilarawan ang obligadong kawang-gawa, samantalang ang salitang ‘Sadaqah’ ay ginagamit upang ilarawan ang kusang-loob na kawang-gawa o donasyon.
Ang Obligadong Kawang-gawa (Zakah)
Subscribe
Login
Please login to comment
0 Comments
Oldest