Skip to main content
Blogs

Ang Kasaysayan ng Reyna ng Sheba

Sa kabanata 27 ng Banal ng Qur’an, sinabi sa atin ng Allah na sa isang pangyayari, ay tinawag ni Propeta Solomon (AS) ang kanyang hukbo at napansin na ang isang ibong hudhud ay wala, “At [sa isang pagkakataon] kanyang hinanap ang mga ibon, at kanyang sinabi: ‘Ano ba ang nangyayari at hindi ko nakikita ang Hudhud? O siya ba ay kabilang sa mga lumiban [hindi dumating]?” [27:20] Nang bumalik ang ibon ay ipinaalam nito kay Propeta Solomon (AS) na ito ay naantala dahil napadaan ito sa isang kaharian na pinamumunuan ng isang mayaman at makapangyarihang reyna na sinasamba ang araw sa halip na ang Allah.  “Katotohanan, aking natagpuan [doon] ang isang babae [si Bilqis] na naghahari sa kanila: siya ay pinagkalooban ng lahat ng bagay at siya ay may dakilang Trono – At siya ay aking natagpuan at ang kanyang mga mamamayan na sumasamba sa araw sa halip na ang Allah, at ginawang kaaya-aya ng satanas para sa kanila ang kanilang mga gawain, at sila ay kanyang hinadlangan mula sa Landas [ng Allah], kaya sila ay hindi napatnubayan.” [27:23-24]

Si Propeta Solomon (AS) ay pinagkalooban ng Allah ng maraming mga biyaya at himala. Bilang isang Sugo ng Allah, ay ginamit niya ang kanyang mga biyaya at mga himala para anyayahan ang iba sa landas ng Allah. Nagpadala siya ng isang liham sa Reyna, inanyayahan siya na bisitahin ang kanyang kaharian at maniwala sa Nag-iisang tunay na Diyos. Inilarawan ito ng Allah sinasabing, “Siya ay nagsabi (ang Reyna ng Sheba): ‘O mga bantog [na namumuno] katotohanan, ipinadala sa akin ang isang marangal na liham. Katotohanan, ito ay nagmula kay Solomon, at at katotohanan, ito ay [nagsasaad ng]: Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain: Huwag kayong magmataas sa akin, bagkus magsilapit kayo sa akin nang tumatalima [bilang Muslim].” [27:29-31]

Nang matanggap ng Reyna ang liham ni Propeta Solomon (AS), ay tinipon niya ang kanyang mga tagapayo at hiningi ang kanilang mga payo. Kanilang sinagot na bilang isang malakas at makapangyarihang kaharian na may malakas na hukbo, ay hindi nila kailangang sundin si Propeta Solomon (AS) o tanggapin ang kanyang imbitasyon.  Ang Reyna, sa kanyang karunungan at katalinuhan, ay tumugon na hindi na kailangan ng galit, dahil maaaring magsimula ito ng digmaan, at ang digmaan ay magdudulot ng malaking kapinsalaan. Sa halip, ay magpapadala siya ng regalo kay Solomon (AS) upang makita kung ang kayamanan ay makakahikayat sa kanya. “Nguni’t katotohanan, ako ay magpapadala sa kanila ng isang handog, at [ako ay] maghihintay kung ano ang [kasagutang] ibabalik ng mga tagapagdala [ng handog].” [27:35]

Nang dumating ang tagahatid ng Reyna kay Propeta Solomon (AS) bitbit ang mga regalo mula sa Sheba, ay sumagot si Solomon (AS) na hindi niya kailangan ang kayamanan, dahil ipinagkaloob na sa kanya ng Allah ang pinakamahalaga. Hindi hinahangad ni Propeta Solomon (AS) ang makamundong bagay tulad ng karaniwang mga hari, ang hinahangad niya ay gabayan ang mga tao sa pagsunod sa Allah at pagsamba. Ipinaalam ni Propeta Solomon (AS) sa tagahatid na walang pagpipilian maliban sa pagdating ng Reyna kung hindi ay magkakaroon ng digmaan.  “Kaya, nang [ang tagapagpadala] ay dumating kay Solomon [AS], kanyang sinabi: ‘ Kayo ba ay magkakaloob sa akin ng yaman? Nguni’t, ang anumang ipinagkaloob sa akin ng Allah ay nakahihigit kaysa sa anumang Kanyang ipinagkaloob sa inyo. Nguni’t,  kayo ang nagagalak sa inyong handog. [Kaya si Propeta Solomon (AS) ay nagsabi: Ikaw ay] magbalik sa kanila sapagka’t katiyakang kami ay darating sa kanila kasama ng mga kawal na hindi nila magagawang pigilan, at katiyakang sila ay aming itataboy mula roon nang may kahihiyan, at sila ay magiging kaaba-aba.” [27:36-37]

Nais ipakita ni Propeta Solomon (AS) sa Reyna at kanyang mga tao ang mga palatandaan ng Allah. Tinanong niya ang kanyang mga tagapayo kung sino sa kanila ang makakapagdala ng trono ng Reyna mula sa kanyang palasyo bago siya dumating kasama ang kanyang mga piling kasamahan. Ang Ifrit [isang makapangyarihan mula sa mga Jinn] ay nagsabi,

“Dadalhin ko ito sa iyo bago ka tumindig mula sa iyong kinauupuan. At katotohanan, ako ay sadyang malakas, at mapagkakatiwalaan para sa ganitong [tungkulin].” [27:39]

Sinabi ng isa niyang kasama na maalam mula sa kasulatan:

“Dadalhin ko ito sa iyo sa isang kisap-mata [lamang]!”

[27:40

Nang ilagay sa harapan niya ang trono ng Reyna sa isang kisap-mata,  nakita ni Propeta Solomon (AS) ang pagpapala sa kanya ng Allah, at kung paano sinusubok ng Allah ang mga tao sa pamamagitan ng mga pagpapala tulad ng pagsubok sa kanila sa mga paghihirap.

“Kaya, nang kanyang [ni Solomon] makita itong inilagay sa kanyang harapan, siya ay nagsabi: ‘Ito ay mula sa pagpapala ng aking Panginoon [Allah] – upang ako ay subukan kung ako ay magpapasalamat o hindi magpapasalamat. At sinuman ang mapagpasalamat – ang kanyang pagpapasalamat ay para lamang sa [kapakanan ng] kanyang sarili; at sinuman ang walang pasasalamat – katotohanan ang aking Panginoon ay Mayaman, Mapagpala.” [27:40]

Nang dumating ang Reyna, siya ay tinanong ni Propeta Solomon (AS) kung nakikilala niya ang trono. Matalino niyang sagot na parang pamilyar ito sa kanya. Dinala siya ni Propeta Solomon (AS) sa isang silid kung saan ang sahig ay yari sa malinaw na salamin at kristal na may tubig na umaagos sa ilalim nito.  Ito ay isang bagay na hindi alam o posible noong panahong iyon. Nang makita ng Reyna ang silid, ay inakala niya na ang kanilang nilalakaran ay may totoong tubig, kaya’t bahagya niyang itinaas ang kanyang damit. Saka niya napagtanto kung ano iyon.  Nang makita ang mga palatandaang ito, siya ay agad na naniwala sa Allah at kay Propeta Solomon (AS) bilang isang Sugo ng Allah. Sinabi ng Allah sa pagtatapos ng kuwentong ito, “Sinabi sa kanya,

“Ikaw ay pumasok sa palasyo.” Nguni’t ng ito ay kanyang makita, inakala niyang ito ay isang bahagi ng tubig, at [kanyang inililis ang kanyang damit, kaya] lumantad ang kanyang mga binti [upang maglakad nang marahan]. Sinabi niya [ni Solomon (AS)]: ‘Katotohanan, ito ay palasyo na na [ang sahig ay] yari sa makinis na salamin.’ Siya ay nagsabi: “Aking Panginoon,  katotohanan, ako ay nagkamali. At ako ay tumatalimang kasama ni Solomon  sa Allah, ang Nag-iisang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].” [27:44] 

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x