Blog
Binigyan ng Allah ng ilang bilang ng natatanging mga himala ang Kanyang Sugo na si Solomon (AS). Dahil sa kanyang mataas na antas ng katalinuhan, lubos niyang nalalaman ang kapangyarihan ng Allah. Kanyang kinikilala na ang Allah ang namamahala sa anumang kondisyon na kanyang kinalalagyan, maging ito ay madali o mahirap, at pinupuri niya ang Allah para dito. Kanyang sinabi, “Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allah. [27:15]. Sinabi ng Allah na si Propeta Solomon (AS) ay humiling sa Kanya ng isang kakaibang kaharian, at tinupad ng Allah ang kanyang panalangin. “Siya ay lumapit sa Amin at nanalangin: ‘O aking Panginoon, ako po ay Iyong patawarin at ipagkaloob Mo po sa akin ang isang kaharian na hindi maaaring angkinin ng iba pagkaraan ko. Katotohanan, Ikaw ang Tagapaggawad.” [38:35]
Siya ay binigyan ng isang napakalaking hukbo, ang mga katulad nito ay hindi pa nakita dati o pagkatapos. Ito ay binuo ng mga batalyon ng tao, pangkat ng jinn at iskwadra ng mga hayop. Sinabi ng Allah, “At tinipon para kay Solomon (AS) ang kanyang mga kawal mula sa jinn at tao at ibon, at sila ay [pinanatiling] magkakahanay.” [27:17]
“At tinipon para kay Solomon (AS) ang kanyang mga kawal mula sa jinn at tao at ibon, at sila ay [pinanatiling] magkakahanay.” [27:17]
Ang Sugo ng Allah na si Propeta Solomon (AS) ay binigyan ng kakayahang makipag-usap sa mga hayop – Sinabi sa atin ng Allah na si Propeta Solomon (AS) ay nakipag-usap sa ibong hudhud. “At [sa isang pagkakataon] kanyang hinanap ang mga ibon, at kanyang sinabi: ‘Ano ba ang nangyayari at hindi ko nakikita ang Hudhud? O siya ba ay kabilang sa mga lumiban [hindi dumating]?” [27:20]
Dagdag pa dito, ay kanyang naiintindihan ang wika ng mga langgam. Isang araw nang ang mga batalyon ng hukbo ay nagmamartsa, dadaan na sana sila sa isang lambak na puno ng mga langgam. “Hanggang, nang sila ay makarating sa punso [o lambak] ng mga langgam, ang isang langgam ay nagsabi: ‘O mga langgam, magsipasok kayo sa inyong mga pinamamahayan, baka kayo ay mapisa [matapakan] ni Solomon (AS) at ng kanyang mga kawal, nang hindi nila namamalayan.” [27:18]
Ang isa pang kakaibang himala ni Propeta Solomon (AS) ay na siya ay binigyan ng kontrol sa Jinn – sinabi ng Allah, “ang ilan sa mga Jinn ay nanilbihan sa ilalim ng kanyang pamamahala sa kapahintululan ng Allah.” [34:12] Sila ay nanilbihan sa kanya, nagtayo ng mga gusali, nagmina ng mga metal, sumisid ng mga kayamanan, at pinapanatili ang seguridad sa kanyang kaharian.
Si Propeta Solomon (AS) ay binigyan ng kakayahang kontrolin ang hangin. Kaya niyang maglakbay ng malalayong distansya sa maikling panahon. Sinabi ng Allah, “At kay Solomon (AS) [Aming itinalaga] ang hangin – [ang ihip] nito sa umaga, ay [sukat ng] isang buwang [layo ng paglalakbay] at gayundin ang gabing paglalakbay.” [34:12]
Si Propeta Solomon (AS) ang unang nagkaroon ng tinunaw na tanso, kung saan hinulma niya ang mga kasangkapan, taguan ng mga armas, at mga kagamitan – Sinabi ng Allah, “Gumawa kami ng isang bukal ng tinunaw na tanso na umaagos para sa kanya.” [34:12]
Gaya ng iyong nakikita, ang Kaharian ni Propeta Solomon (AS) ay napakalaki. Pinamunuan niya ng may katalinuhan at katarungan at kinikilala na ang lahat ng kapangyarihan at lakas ay nagmula lamang sa Allah.