- Subukang magsagawa ng ilang dagdag na yunit ng boluntaryong mga panalangin sa gabi, alinman bago matutulog o bago magbukang-liwayway.
- Mag-ayuno ng ilang araw nang kusang-loob at/o buuin ang anumang mga araw na nakaligtaan mula sa Ramadan, dahil maikli ang mga araw.
- Manatiling gising pagkatapos ng pang-araw-araw na panalangin sa madaling-araw at gamitin ang oras na ito para magbasa ng Qur’an o mag-aral.
- Tumulong sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at damit para sa buwan ng taglamig.
- Pasalamatan ang Allah para sa Kanyang mga biyaya ng kanlungan o tirahan, pagkain, at init sa panahong ito ng taon.