Skip to main content
Blogs

Ang Araw ng Sakripisyo

Ang ika-sampung araw ng Buwan ng Peregrinasyon (ang Hajj) [2], ay ang ikalawang Islamikong kapistahan ng taon. Ang mga Muslim sa buong mundo ay ipinagdiriwang ito tulad ng kanilang ginawa ilang buwan na ang nakakaraan matapos makumpleto ang buwan ng Ramadan. Ngayong taong ito ang pagdiriwang ay pumatak sa araw ng Sabado, ang ika-9 na araw sa buwan ng Hulyo. 

Ang kasaysayan ng Araw ng Sakripisyo ay bumabalik sa panahon ni Abraham (AS). Ang taunang pagdiriwang sa mga paggunita ng dakilang kaganapan nang inutusan ng Allah si Abraham (AS) sa isang panaginip na isakripisyo ang kanyang anak na lalaki bilang isang gawaing pagsunod. 37:102

Habang si Abraham (AS) ay malapit ng isakripisyo ang kanyang anak, ipinahayag sa kanya ng Allah na ang kanyang “sakripisyo” ay natupad na. Ipinakita niya na ang kanyang pagmamahal sa kanyang Nag-iisang Panginoon ay higit sa lahat ng iba, na siya ay handang magsakripisyo ng anumang bagay upang magpasakop sa Allah. Kung ikaw ay isang balik-Islam mula sa pagiging Kristiyano o Hudyo, maaaring narinig mo ang ibang salaysay ng parehong kwento na lumitaw sa Lumang Tipan o Testamento ng Bibliya.

Ang ilang mga tao ay nalilito kung bakit hiniling ng Allah kay Abraham (AS) na isakripisyo ang kanyang sariling anak. Ang layunin ay hindi para patayin ni Abraham  (AS) ang kanyang anak; sa halip ito ay para ilayo ang kanyang anak mula sa kanyang puso ng sa gayon ang lahat ng kanyang pagmamahal ay tanging sa Allah lamang.

Kaya, ito ay isang bahagi ng ating tradisyong na sa panahon ng mabiyayang Sampung Araw sa Buwan ng Hajj at sa Araw ng Sakripisyo ay ating naaalala ang sakripisyo ni Abraham (AS) sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa kasaysayan at muling binubuhay ang ilang mga ritwal. Binabalikan natin kung ano ang naging dahilan ng pagiging matibay ng pananampalataya ni Abraham, ang isa na malapit sa Allah, isang tao na pinagpala ng Allah at ginawang pinuno at halimbawa para sa buong mga nasyon na dapat nating sundin. 

Ang pagsasakripisyo ng isang anak ay isang pagsubok sa pananampalataya ni Abraham (AS). Upang gunitain at alalahanin ang mga pagsubok ni Abraham (AS), ang mga Muslim ay nagkakatay ng isang hayop tulad ng isang tupa, kambing, baka, o kamelyo. Ang tradisyong ito kalimitang hindi nauuwanaan ng mga tao na may ibang paniniwala. Samakatuwid, ilang mga puntos ang dapat maunawaan dito: 

Ang pagsasakripisyo ng hayop ay hindi isang ritwal ng pagano gaya ng maaaring ipagpalagay ng ilan. Ito ay hindi tulad ng mga ritwal ng pagano dahil hindi gumamit ng natapon na dugo upang ipahid sa mga bagay o bulto bilang isang ritwal ng dugo. Walang mapamahiing mga paniniwala. Wala ring huwad na paniniwala na ang dugo o ang karne ay  ipapakain sa isang diyos o gagamitin  upang lumayo o umiwas sa galit ng huwad na diyos tulad ng paniniwala ng mga pagano.

Ganap na salungat dahil sinabi sa atin ng Nag-iisang Tunay na Panginoon ang dahilan sa likod ng sakripisyo.

“Nagtalaga kami ng mga sakripisyong hayop (mga kamelyo/baka) bilang bahagi ng banal na ritwal ng Allah para sa iyo. Maraming kabutihan ang mga ito sa iyo, kaya banggitin ang pangalan ng Allah sa ibabaw nila dahil sila ay nakalinya para sa sakripisyo, pagkatapos, kapag sila ay patay na, pakainin ang inyong mga sarili at ang mga hindi humihingi, gayundin ang mga humihingi. Ipinailalim namin sila sa iyo sa ganitong paraan ng sa gayon ikaw ay maging mapagpasalamat. Hindi ang kanilang karne o kanilang dugo ang nakakarating sa Allah kungdi ang iyong kabanalan. Ipinailalim Niya (Allah) ang mga ito sa iyo sa ganitong paraan nang sa gayon ay luwalhatiin mo ang Allah sa paggabay sa iyo. Ang Propeta (SAWS), ay nagbigay ng mabuting balita sa mga taong gumagawa ng kabutihan.” 22:35-37

Ang pagsasagawa ng ritwal na sakripisyong ito sa ngalan ng Allah ay isang palatandaan ng pagsunod sa Allah, ang pagiging banal. Pagkatapos patuyuin ang dugo at itapon, ang karne ng hayop ay dapat ipamahagi sa mga mahihirap, sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Walang natatangi o espesyal na ritwal na napapaloob, maliban na nakamit ng hayop ang ilang mga kinakailangan. Ang hayop ay kakatayin sa parehong paraan na ito ay kinatay sa anumang panahon sa taon upang pahintulutang kainin. Ang tanging pinagkaiba ay ang layunin. Para sa regular na pagkatay, ang layunin ay ang kainin ang karne o ipakain ito sa iba, nguni’t para sa okasyong ito, para ito  sa pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng paggunita sa pagsubok ni Abraham (AS) at sa pagsunod sa Allah.

Ang pangalan ng Allah ay sinasambit dahil binigyan tayo ng Allah ng kapangyaruhan sa mga hayop at ginawa silang masunurin sa atin. Pinahintulutan Niya tayo na kainin ang kanilang karne, nguni’t sa Kanya (Allah) lamang Pangalan. Sa pamamagitan ng pagbigkas sa Ngalan ng Allah sa oras ng pagkatay, pinaalalahanan natin ang ating mga sarili na kahit na ang buhay ng isang hayop ay banal at maaari lamang nating kunin ang buhay nito sa Ngalan ng Nag-iisa na nagbigay ng buhay nito sa simula pa.

Ang mga mabuting gawain ay pambayad-sala para sa mga kasalanan ng isang tao. Ang pag-aalay ng sakripisyong hayop ay isang ritwal na pagsamba na pinapatawad ang mga kasalanan ng isang tao. Itinuro ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) na ang pinakamamahal na gawain ng Allah sa araw na ito ay ang pag-aalay ng sakripisyo at na ito ay sasaksi sa mga deboto sa Araw ng muling Pagkabuhay.

Ang mga patakaran na may kaugnayan sa Pagsasakripisyo ng Hayop

  1. Uri ng Hayop – Ang tanging mga hayop na pinahihintulutang isakripisyo ay ang mga binanggit sa Qur’an, tulad ng baka at mga hayop sa bukid ay pinahihintulutang kainin, tulad ng mga kamelyo, mga baka, mga kambing at mga tupa. Ang isang tupa ay maaaring ialay bilang isang sakripisyo para sa isang tao o sa isang pamilya. Sa panahon ng Sugo ng Allah, isang lalaki ang nagsakripisyo ng isang tupa sa kanyang sarili at sa mga miyembro ng kanyang buong pamilya, at sila ay kumain mula rito at binigay ang ilang bahagi sa iba. Ang isang kamelyo o baka ay sapat na para sa pitong katao. 

2.) Edad ng Hayop – Ang hayop ay dapat na isang sapat na edad upang maging angkop para sa sakripisyo.

a.) 6 na buwan para sa isang tupa

b.) 1 taon para sa isang kambing

k.) 2 taon para sa isang baka

d.) 5 taon para sa isang kamelyo

3.) Mga Katangian ng Hayop – Ito ay dapat na walang anumang mga pagkakamali o mga depekto dahil dapat piliin ng isang tao ang pinakamahusay na iaalay upang ihandog sa Allah. Ang bulag o may isang mata na hayop, isang maysakit na hayop, isang mahinang hayop, at ang isang payat na hayop ay hindi angkop para sa sakripisyo. May mga maliliit na depekto na hindi nag-aalis ng karapatan sa isang hayop, nguni’t hindi kaaya-ayang isakripisyo ang ganitong mga hayop, tulad ng isang hayop na may isang sungay o wala ang isang tenga, o may hiwa sa mga tenga nito, at iba pa.

Panahon ng Sakripisyo – Ang hayop ay dapat na isakripisyo sa itinakdang panahon sa Araw ng Sakripisyo kung saan nagsisimula ito pagkatapos ng serbisyo sa kongregasyon (panalangin at sermon) ay kabilang at tumatagal hanggang bago lumubog ang araw ng ika-13 araw ng Buwan ng Sakripisyo. Ang tatlong araw na sumunod sa Araw ng Sakripisyo ay tinawag na “Ang Araw ng Bukang-liwayway”. [3]

Ang karne na mula sa sakripisyo ay kinakain ng pamilya at mga kamag-anak, ipinamimigay sa mga kaibigan at mga kapitbahay, at ibinibigay sa mga mahihirap. Kinikilala natin na ang lahat ng mga biyaya ay nagmula sa Allah, at dapat nating buksan ang ating mga puso at ibahagi sa iba.

Payo para sa Araw ng Sakripisyo (Eid-ul-Adha) 

Magpahinga mula sa trabaho o paaralan, kung maaari. Kung hindi maaari, subukang magsaayos ng oras upang subukang dumalo sa serbisyo ng kongregasyon kung ito aymalapit. Maghanda ng isasakripisyong hayop ng maaga. Maaari kang sumama sa mga lokal na Muslim sa isang kabukiran o sa isang katayan ng hayop o pumuntang mag-isa kung ikaw ay mayroon ng karanasan. Ito ay isang karanasan na hindi mo malilimutan! Maaaring naisin mo na katayin ang hayop o maaari kang magsama ng isang kapatid na Muslim para gumawa nito sa iyo. Kung walang Muslim na makakasama, isang Hudyo o isang Kristiyano ang maaaring gumawa nito basta kinatay nila ang hayop ng wasto sa pamamagitan ng pagputol ng mga ugat sa lalamunan at hayaan ang hayop na lumabas ang dugo habang binabanggit ang pangalan ng Allah. Maaari mo ring ipadala ang pera sa isang Islamikong institusyon para sa kawang-gawa para gawin ito sa iyong pangalan at kanilang ipamamahagi ang karne sa mahihirap. Para sa mga milyon-milyong mga Muslim sa buong mundo ito lamang ang tanging panahon sa isang taon na sila ay nakakakain ng karne.   

Bilang isang bagong Muslim, maaaring hindi ka naninirahan sa isang lugar na may isang Muslim na komunidad, kaya ipinapayo na ibigay ang iyong pera sa isang Islamikong institusyon ng kawang-gawa upang gawin ang sakripisyo sa iyong pangalan at para pakainin ang mga mahirap na Muslim sa pamamagitan ng Islamikong organisasyon na tumutulong online. Ang gastos sa pagsasagawa ng sakripisyo ay nag-iiba batay sa bansa na nais mo itong gawin. Ilang mga organisasyon ang nasa talaan sa ibaba, maaari mong makita ang marami pa sa online:

http://www.islamic-relief.org/category/seasonal/seasonalcampaignqurbani/

http://irusa.org/udhiyahqurbani/?gclid=CL-llYOA-c4CFQpsfgod1A8Cfg

https://umrelief.org/campaigns/qurbani/
https://pennyappealusa.org/campaigns/qurbani

Makipag-ugnayan sa inyong lokal na Masjid o sa Islamic center kahit isang linggo bago malaman ang oras at lugar kung saan gaganapin ang panalangin sa kongregasyon. Pagkatapos ng panalangin, mga matatamis at mga magagaang inumin ang pangkaraniwang inihahain. Karamihan sa mga Masjid ay nagdaraos ng hapunan sa Eid maaaring sa gabi o sa susunod na ilang araw. Alamin kung kailan at saan ang mga ito at subukang daluhan ang mga ito.

Huwag malungkot o makaramdam na nakahiwalay. Gumawa ng plano sa iyong mga Muslim na kaibigan o mga pamilya ng maaga upang bisitahin sila para sa Eid. Imbitahan ang mga Muslim na kaibigan at magluto para sa kanila. Kung hindi ka makapagluto, kumain sa labas kasama sila. Subukang isama o ibilang ang mga di-Muslim na miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng pagsama sa kanila sa panalangin ng Eid o hayaan silang bisitahin ka para sa hapunan kasama ng iyong mga Muslim na kaibigan. Ito y mangangailangan ng ilang pagpaplano. Gawin ito ng maaga. Mayroon kang apat na araw upang magdiwang.

Ang mga pamilya ay nagbibigay ng regalo sa mga bata sa araw ng Eid. Sinabi ni Propeta Muhammad (SAWS): “Ang palitan ng mga regalo sa bawat isa, mamahalin ninyo ang bawat isa,” Maaaring nais mong magbigay ng regalo sa iyong mga di-Muslim at mga Muslim na miyembro ng iyong [pamilya at mga kaibigan.

Magboluntaryo sa inyong lokal na Masjid sa Araw ng Eid. Mangangaiangan sila ng mga boluntaryo para sa paradahan, pag-aayos ng pagkain, paglilinis, mga aktibidad para sa mga bata, at marami pa.

Magsuot ng magandang damit sa Araw ng Eid. Bumili ng ilang bagong mga kasuotan at maging nasa kondisyon ng pagdiriwang.

Upang buodin ang mga nabanggit…

Sa araw na ito, ang isang Muslim na hindi nagsasagawa ng Hajj na nakatuon sa parehong sa gawain na pangkaraniwang ginagawa sa Araw ng Pagputol ng Pag-aayuno [4], maliban sa hindi pagbabayad ng kawanggawa sa pagputol ng ayuno, na ginagawa lamang pagkatapos ng Ramadan.

Ang isang katangi-tanging anyo ng Pagdiriwang na ito ay ang pagkakatay ng isang hayop para sa sakripisyo, kung saan ipinapalagay na isa ito sa labis na inirerekondang gawain ng pagsamba para sa mga may kakayahang pinansyal.

Ang iba pang anyo ay ang pagpapahaba sa kapistahan ng ilang mga araw. Ang Araw ng Arafah, ang Araw ng Sakripisyo at ang tatlong Araw ng Bukang-liwayway ay limang magkakasunod na araw ng pagdiriwang kung saan sumasapit ito taon-taon, kaya tinawag na Eid [5]. Ang mga araw na ito ay itinalaga na isang panahon ng pagkain, pag-inom, kagalakan, at pag-alala/pagsamba sa Allah tulad ng itinuro ng Sugo na si Muhammad (SAWS). Ang Araw ng Sakripisyo, kabilang ang tatlong araw matapos nito, ang mga araw na ipinagbabawal na mag-ayuno dahil ang sila ay mga araw ng pagdiriwang.

Ang isang sakripisyong hayop ay tumutukoy sa anumang mga hayop na nasa bukid (mga tupa, mga kambing, mga baka o mga kamelyo) na kinakatay sa panahon ng Kapistahan ng Sakripisyo na may layuning mapalapit sa Allah.

Ang pagkatay ng isang hayop para sa sakripisyo sa panahon ng Pagdiriwang ng Sakripisyo ay isang kaugalian kung saan regular na ginagawa ni Propeta Muhammad (SAWS) at hinihikayat ang mga tao na may kakayahan na gawin ito. Ang tagapangasiwa ng tahanan ay maaaring mag-alay ng isang sakripisyo para sa kanyang sarili at sa ngalan ng mga taong umaasa sa kanya.

Hindi pinahihintulutan na ialay ang isang sakripisyo ng anumang hayop o ibon maliban sa mga hayop sa kabukiran, tulad ng tupa, mga kambing, mga baka o mga kamelyo. Ang isang tupa o kambing ay sapat na para sa isang pamilya, at pitong magkakaibang pamilya ang maaaring makihati sa pagsasakripisyo ng isang baka o kamelyo. Ang sakripisyong hayop ay dapat na nasa tamang gulang. Ang isang tupa ay dapat na nasa anim na buwan man lamang, isang taon sa isang kambing, dalawang taon sa isang baka, at limang taon para sa isang kamelyo. Dapat rin na ito ay malaya mula sa anumang depekto.

 Ano ang dapat gawin sa Sakripisyong Hayop?

Ipinagbabawal na ibenta ang anumang bahagi ng sakripisyong hayop. Inirerekomenda na hatiin ito sa tatlong bahagi: ang isang bahagi ay pansariling paggamit/pagkain, ang isang ikatlong bahagi ay ibibigay bilang regalo at ang natitirang ikatlong bahagi ay ibibigay sa kawanggawa sa mga mahirap at nangangailangan. Pinahihintulutan na italaga ang ang isang tao na katayin ang isang sakripisyong hayop sa kanyang pangalan, tulad ng isang mapagkakatiwalaang pangkawang-gawang organisasyon na nagsasagawa ng pagkatay sa sakripisyong hayop at ipamahagi ang mga ito sa nangangailangan.

Siyempre, ito ay pinahihintulutan na magkatay ng higit sa isang hayop sa pangalan ng isang pamilya o tao dahil ibibilang ito sa karagdagang mabuting mga gawain.

Pagpapalain ka nawa ng Allah at tanggapin ang iyong pagsamba at sakripisyo. Ameen

[1] Araw ng ‘Adha’ Sakripisyo

[2] Dhul Hijjah

[3] Araw ng ‘Tasheeq’ bukang-liwayway dahil ang mga tao ay makakakuha ng karne mula sa kanilang mga alay na natuyo sa ilalim ng araw sa mga araw na ito.

[4] Araw ng ‘Fitr’ Pagputol ng Pag-aayuno

[5] Ang ibig sabihin ng Eid ay isang pangkasalukuyang at paulit-ulit na pangyayari.

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
17 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
gate io
1 year ago

Your article helped me a lot, thanks for the information. I also like your blog theme, can you tell me how you did it?

gate.io
1 year ago

For my thesis, I consulted a lot of information, read your article made me feel a lot, benefited me a lot from it, thank you for your help. Thanks!

Бонус при регистрации на binance

Your point of view caught my eye and was very interesting. Thanks. I have a question for you.

gate io
1 year ago

Your article made me suddenly realize that I am writing a thesis on gate.io. After reading your article, I have a different way of thinking, thank you. However, I still have some doubts, can you help me? Thanks.

www.binance.com registrēties

I don’t think the title of your article matches the content lol. Just kidding, mainly because I had some doubts after reading the article. https://www.binance.com/lv/register?ref=GJY4VW8W

Binance Pag-sign Up
1 year ago

Thanks for sharing. I read many of your blog posts, cool, your blog is very good. https://accounts.binance.com/ph/register-person?ref=P9L9FQKY

Kayıt Ol | Gate.io
1 year ago

After reading your article, I have some doubts about gate.io. I don’t know if you’re free? I would like to consult with you. thank you.

gate.io
1 year ago

I may need your help. I’ve been doing research on gate io recently, and I’ve tried a lot of different things. Later, I read your article, and I think your way of writing has given me some innovative ideas, thank you very much.

Sign Up
1 year ago

The point of view of your article has taught me a lot, and I already know how to improve the paper on gate.oi, thank you. https://www.gate.io/ru/signup/XwNAU

gate io
1 year ago

The point of view of your article has taught me a lot, and I already know how to improve the paper on gate.oi, thank you. https://www.gate.io/zh/signup/XwNAU

binance norādījuma kods

Your article helped me a lot, is there any more related content? Thanks! https://accounts.binance.com/lv/register?ref=W0BCQMF1

bezplatn'y úcet na binance

Your article helped me a lot, is there any more related content? Thanks! https://www.binance.com/cs/register?ref=DB40ITMB

创建Binance账户
1 year ago

I don’t think the title of your article matches the content lol. Just kidding, mainly because I had some doubts after reading the article. https://accounts.binance.com/zh-CN/register-person?ref=V3MG69RO

Otwórz konto na Binance

Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me. https://accounts.binance.com/pl/register?ref=JHQQKNKN

bonificación de referencia de Binance

Your article helped me a lot, is there any more related content? Thanks! https://www.binance.com/es/register?ref=JHQQKNKN

Mendaftar di www.binance.com

Thanks for sharing. I read many of your blog posts, cool, your blog is very good. https://accounts.binance.com/id/register-person?ref=DB40ITMB

binance
1 year ago

Thanks for sharing. I read many of your blog posts, cool, your blog is very good. https://accounts.binance.com/ka-GE/register?ref=P9L9FQKY

17
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x