
- Ang kabanata 109 ng Qur’an ay tinawag na “Al -Kafirun” o “Ang Mga Di-Naniniwala.”
- Ito ay mula sa panahon ng Makkah sa pagpapahayag ng buhay ng Sugo, bago ang paglipat sa Madina.
- Ang dahilan ng rebelasyon sa kabanatang ito na hiningi ng mga taga Makkah na makipagkasundo si Propeta Muhammad (SAWS).
- Hiniling nila na dapat siyang sumamba sa kanilang mga diyos at mga idolo sa loob ng kalahating taon, at sasambahin nila ang Allah sa natirang kalahati.
- Pagkatapos ay ipinahayag ng Allah ang kabanatang ito bilang tugon sa kanila.
- Binanggit sa kabanata na sumasamba lamang kami sa Isang Tunay na Diyos na nag-iisa at hindi makikipagkasundo sa pangunahing isyu ng pananampalataya.
- Sinabi ni Propeta Muhammad (SAWS) na dapat nating basahin ang kabanatang ito bago matulog, dahil ito ay “isang deklarasyon ng pagpapalaya sa sarili mula sa pagtatambal sa Allah.”
- Sa ibang salaysay, ay sinabi ni Propeta Muhammad (SAWS) na ang kabanatang ito ay katumbas ng ikapat ng Qur’an sa kahulugan at mensahe nito.