Ang isa sa mga paniniwala sa Islam ay ang paniniwala sa mga Banal na Kasulatan na ipinahayag ng Allah.
Ang mga banal na kasulatang ito ay ipinadala bilang gabay at liwanag sa ilang mga piniling Sugo ng Allah bilang kautusan sa kanila at sa kanilang mga tao. Ang mga banal na kasulatang ito ay hindi pinadala para sa kanilang sarili, sa halip ang isang hinirang na Sugo ay ang laging tatanggap ng nasabing Banal na regalo at naatasang magpaliwanag at isabuhay ang banal na kasulatan sa totoong buhay. Hindi ipinadala ng Allah ang isang banal na kasulatan maliban na may isang taong sugo na mahusay na ipaliliwanag ang kautusan ng Allah at tunay na maisasabuhay ang mga ito sa isang paraan kung saan maiuugnay tayo at mauunawaaan.
Halina’t tingnan natin ang ilang mga mahahalagang aspeto na may kaugnayan sa mga Banal na Kasulatang ito….
Isang Pangunahing Bahagi Ng Pananampalataya
Sa ilang bilang ng mga talata ng Qur’an ay inutusan tayo ng Allah na paniwalaan ang mga Banal na Kasulatan ng Allah. “Ikaw na naniniwala, maniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo at sa Banal na Kasulatan na Kanyang ipinadala sa Kanyang mga Sugo, gayundin ang ipinadala Niya noon sa ibang mga Sugo. Sinumang hindi naniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Banal na Kasulatan, sa Kanyang mga Sugo at sa Huling Araw ay malayong naligaw.” (4:136)
Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) na ang paniniwala sa mga Banal na Kasulatan ng Allah ay isa sa anim na pangunahing bahagi ng tunay na pananampalataya upang makamit ang kaligtasan.
Ang Bilang Ng Mga Banal Na Kasulatan na Ipinahayag
Ang Allah ay nagpahayag ng maraming banal na kasulatan sa buong kasaysayan. Ang mga Muslim ay naniniwala na ang lahat ay totoo at ang orihinal na mga Banal na Kasulatan ay nagmula sa Allah at naglalaman ng patnubay. Gayunpaman, limang Banal na Kasulatan lang ang alam natin sa pangalan. Ang limang ito ay ang mga sumusunod:
- Ang Torah na ipinagkaloob kay Moses (AS)
- Ang Ebanghelyo na ipinagkaloob kay Hesus (AS)
- Ang mga Dokumento o Salmo na ipinagkaloob kay David (AS)
- Ang Perganimo ni Abraham at Moses (AS)
- Ang Qur’an na ipinagkaloob kay Muhammad (SAWS)
Pag-unawa Sa Paniniwala Sa Mga Banal Na Kasulatan na Inihayag
Ang paniniwala sa inihayag na Banal na Kasulatan ng Allah ay binubuo ng apat na mga elemento.
Una, naniniwala tayo na ang lahat ng mga ito ay nagmula sa Allah at na ipinahayag ng Allah ang mga salitang ito. “Direktang nakipag-usap ang Allah kay Moises (AS).” (4:164)
Pangalawa, naniniwala tayo na nagpadala ang Allah ng maraming Banal na Kasulatan at tinatanggap natin ang lahat ng ito bilang mga salita ng Allah. Tahasang naniniwala tayo sa limang binanggit sa itaas sa kanilang orihinal na anyo. Ang mga pangalan ng limang Banal na Kasulatan ay tahasang binanggit ng Allah sa Qur’an.
Pangatlo, tinatanggap natin ang lahat ng bagay na nasa orihinal ng mga Banal na Kasulatan. Tanging ang Qur’an ang nananatili sa dalisay na anyo nito. Anuman ang natitira sa ilan sa mga ito ay binago. Narito pa rin ang ilang katotohanan sa kung ano ang nanatili na pinagtibay ng Qur’an. Ang lahat ng mga Banal na Kasulatang ito ay nanawagan sa pagsamba sa Nag-iisang tunay na Panginoon sa Kanyang mga alituntunin at mga kondisyon.
Pang-apat, ang Qur’an ay isang patotoo at isang saksi sa nakaraang mga Banal na Kasulatan. Ang Qur’an ay pinawalang-bisa at pinalitan ang bawat Banal na Kasulatan na nauna rito. Sinabi ng Allah, “Ipinadala Namin sa iyo, O Muhammad (SAWS), ang Banal na Kasulatan na may katotohanan, na nagpapatunay sa mga Banal na Kasulatan na nauna rito, at na may pangwakas na kapangyarihan sa kanila.” (5:48)
Bakit Inihayag Ng Allah Ang Mga Banal Na Kasulatan?
May ilang mga dahilan kung bakit ipinadala ng Allah ang Banal na mga Kasulatan. Sa pamamagitan ng banal na kasulatan ay pinagtibay ng Allah ang patunay laban sa sangkatauhan kung lalabag sila sa tahasang utos ng Allah na sambahin lamang Siya. Ang Banal na Kasulatan ay naglalaman din ng mga batas para sa sangkatauhan na mabuhay at sumamba sa Allah. Sa gayon, ang mga Banal na Kasulatan ay ang mga sanggunian at mapagkukunan ng batas at tuntunin ng moralidad. Tulad nito, ang hindi pagkakaunawaan ay maaaring ayusin sa pamamagitan ng pagtukoy sa tagubilin ng Allah ayon sa mga salita ng Allah. Bukod pa rito, pinapanatili ng mga Banal na Kasulatan ang Tunay na Relihiyon ng Allah, ang Islam mula sa katiwalian. Ang mga Banal na Kasulatan ay nagbibigay din ng katibayan sa pagiging totoo ng mga Sugo ng Allah ipinapakita na sila ay tunay na pinili at ipinadala ng Allah.
How to Understand Scripture
Divine scriptures were always revealed to the chosen messengers of God. It was the Messengers of God who then explained the scriptures and told us their correct interpretation. It was their application of scripture which lead to the correct understanding of God’s words. This was so that people would not differ over God’s words or misinterpret them to suit their own whims and desires.
Paano Mauunawaan Ang Banal Na Kasulatan
Ang Banal na mga Kasulatan ay laging ipinahayag sa piniling mga Sugo ng Allah. Ang mga Sugo ng Allah ang nagpaliwanag ng mga Banal na Kasulatan at sinabi sa atin ang tamang kahulugan. Ito ay ang kanilang paglapat ng banal na kasulatan na humantong sa tamang pag-unawa sa mga salita ng Allah. Nang sa gayon ang mga tao ay hindi magkaiba sa mga salita ng Allah o magkaroon ng maling pakahulugan sa mga ito upang umayon sa kanilang sariling mga kapritso at pagnanasa.
This is why along with the Quran we have the life example and tradition of the Messenger Muhammad which clearly explain to us the words of the Quran and the commands of God. God commands us to perform prescribed ritual devotion, fast, give charity and make the pilgrimage in the Quran.
Ito ang dahilan kung bakit kasama ng Qur’an ay mayroon tayong halimbawa ng buhay at tradisyon ni Propeta Muhammad (SAWS) kung saan malinaw na ipinaliwanag sa atin ang mga salita ng Qur’an at ang mga kautusan ng Allah.
Inutusan tayo ng Allah na magsagawa ng itinakdang ritwal na pagsamba, pag-aayuno, pagbibigay ng kawang-gawa at ang paglalakbay sa banal na lugar sa Makkah o Hajj sa Qur’an.
The Messenger Muhammad through his living example showed us the manner of performing the prescribed ritual devotion, fasting, giving charity and making the pilgrimage. He also instructed us to follow his example in doing so. We are told that God will not accept any act of devotion if it does not comply and doesn’t match the example and model of the Messenger Muhammad. The tradition of the Messenger Muhammad, the Sunnah, is also revelation from God and hence must be followed like the Quran.
Si Propeta Muhammad (SAWS) sa pamamagitan ng kanyang buhay na halimbawa ay ipinakita sa atin ang paraan ng pagsasagawa ng itinakdang panalangin, pag-aayuno, pagbibigay ng kawang-gawa at ang pagsasagawa ng Peregrinasyon o Hajj. Inutusan din niya tayong sundin ang kanyang halimbawa sa pagsasagawa nito. Sinabihan tayo na hindi tinatanggap ng Allah ang anumang gawaing debosyon kung ito ay hindi sumusunod o tumutugma sa halimbawa at pagiging huwaran ni Propeta Muhammad (SAWS). Ang kaugalian ni Propeta Muhammad (SAWS), ang Sunnah, ay rebelasyon din mula sa Allah at kaya dapat sundin tulad ng Qur’an.
The Quran – The Last Scripture
The Quran is different from other scriptures in that it is the last of God’s scriptures. There will be no other Divine revelation after it. It is miraculous and inimitable, it cannot be replicated. God has vowed in the Quran to preserve and protect it from alteration and corruption. This was not the case for previous scriptures. The Quran confirms the truth contained in earlier scriptures and abrogates all rulings before it. All that is in the Quran is final and supersedes all that came before it.
Ang Qur’an – Ang Huling Banal na Kasulatan
Ang Qur’an ay iba sa ibang mga Banal na Kasulatan na dumating na ito ang huling Banal na Kasulatan ng Allah. Wala ng iba pang Banal na rebelasyon pagkatapos nito. Ito ay mahimala at walang katulad, ito ay hindi maaaring kopyahin. Ang Allah ay nanumpa sa Qur’an na ito ay iingatan at poprotektahan mula sa pagbabago at katiwalian. Hindi ito ang nangyari sa naunang mga Banal na Kasulatan. Ang Qur’an ay nagpapatunay sa katotohanan na nakapaloob sa naunang mga Banal na Kasulatan at pinawalang-bisa ang lahat ng mga kapasyahan na nauna rito. Ang lahat ng nasa Qur’an ay ang katapusan at pumalit sa lahat ng mga nauna rito.
May God’s protection be with you.
Pangalagaan ka nawa ng Allah. Aameen
Well written article, taking all angles into consideration.Thank you immensely, Rachna. Your support means a lot. For some time, I have felt that while the beaches/coastal areas of Goa and Kerala are much admired and written about, perhaps Karnataka’s coast has received less than its due.I have tried to fill that space to some extent. There are a lot more places here, equally good and interesting. A book could do justice to all of that. An article can only seek to highlight some of it so as to kindle interest in readers.Thank you for such a positive feedback.
Reading your article helped me a lot and I agree with you. But I still have some doubts, can you clarify for me? I’ll keep an eye out for your answers.
I have read your article carefully and I agree with you very much. This has provided a great help for my thesis writing, and I will seriously improve it. However, I don’t know much about a certain place. Can you help me?
Reading your article has greatly helped me, and I agree with you. But I still have some questions. Can you help me? I will pay attention to your answer. thank you.
Your point of view caught my eye and was very interesting. Thanks. I have a question for you.
I don’t think the title of your article matches the content lol. Just kidding, mainly because I had some doubts after reading the article.
Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me. https://accounts.binance.com/sl/register-person?ref=B4EPR6J0
Your point of view caught my eye and was very interesting. Thanks. I have a question for you. https://accounts.binance.com/pt-BR/register?ref=W0BCQMF1
Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me. https://accounts.binance.com/tr/register?ref=DB40ITMB