Sa Islam, ay higit na binibigyang-diin ang pagbubuklod o ang pagkakaisa ng pamilya at ang buong institusyon ng pamilya. Ang pamilya ay isang pangkat na dapat itatag sa saligan ng pananampalataya, pagmamahal, at paghahanap ng ikalulugod ng Allah. Ang pamilyang nakabatay sa pananampalataya ay tumutulong sa isang tao sa buhay na ito at sa kabilang buhay. Sinabi ng Allah, “Ang Allah ang nagbigay sa inyo ng mga asawa mula sa inyong mga sarili, at sa pamamagitan nila ay binigyan Niya kayo ng mga anak at mga apo at pinagkalooban kayo ng mabubuting bagay.” [17:72]
Ipinaalam sa atin ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) na pagkatapos na ang isang tao pumanaw, ang panalangin ng mga matuwid na anak ay patuloy na makikinabang ang mga magulang.
Ang pamilya sa Islam ay nagsisismula sa pagpapakasal ng isang naniniwalang lalaki at isang naniniwalang babae. Ang mga Muslim ay dapat lamang pakasalan ang mga Muslim. Ang hinahanap ay dapat na malinis at mahinhin. Ito rin ay mula sa tulong ng Allah, tulad ng sinabi Niya sa Qur’an, “Ang isa pa sa Kanyang tanda ay ang nilikha Niya ang mga mag-asawa mula sa inyong mga sarili upang kayo ay mamuhay nang tahimik: Siya ay nagtalaga ng pagmamahalan at kabutihan sa inyong pagitan. Tunay na mayroong mga palatandaan dito para sa mga nagmumuni-muni.” [30:21] Hinikayat tayo ni Propeta Muhammad (SAWS) na piliin ang mga asawa na nagpapahalaga sa kanilang pananampalataya at nais na malugod ang Allah.
Ang mag-asawa na binuo ang kanilang pamilya sa pananampalataya sa Allah, pagmamahalan, at paggalang ay magkakaroon ng isang matatag na pagsasama. Hinikayat tayo ni Propeta Muhammad (SAWS) na magkaroon ng mga anak at palakihin sila sa tamang panaliniwala at disenteng matuwid na pag-uugali. Ang mga bata sa buong kasaysayan ng sangkatauhan ay tiningnan bilang kapaki-pakinabang sa maraming mga kadahilanan. Ang pag-aalaga sa kanilang mga magulang sa pagtanda at pagbibigay sa kanilang mga magulang ng pakiramdam ng pagmamalaki sa pagkakaroon ng isang supling. Ang mga anak ay isa ring kapaki-pakinabang sa pananampalataya ng isang tao at pang-espirituwal na paglalakbay, kapag ginawa ng isa ang kanilang tungkulin sa pagtugon sa pagiging magulang. Ito ang dahilan kung bakit ang mabuti at propetikong pagiging magulang ay napakahalaga. Kapag ang isang mag-asawa ay kapwa naghahangad ng kaluguran ng Allah, nagsusumikap ng husto sa kanilang iba’t-ibang tungkulin sa loob ng pamilya, at nagpalaki ng mabuting mga anak, ang kanilang mga pagsisikap ay pinagpapala ng Allah.
Ang mga Muslim na magulang ay hinikayat na turuan ang kanilang mga anak tungkol sa Allah, pagsamba, pananampalataya, at iba pang mga mahahalagang bagay mula sa pagkabata. Ang pagtuturo ay dapat sa pamamagitan ng pagpapakita ng tamang pag-uugali. Ang mga magulang ay sinabihan na ipakilala ang pagsamba at debosyon sa Allah sa kanilang mga anak sa unti-unting paraan upang tulungan silang bumuo ng magandang pag-uugali at asal sa pagsamba. Kinakailangan nating turuan ang ating mga anak na magkaroon ng mabuting pag-uugali at asal at upang matutunan ang iba’t-ibang mga tuntunin ng kagandahang-asal na kanilang kailangan sa sarili at pampublikong buhay, mula sa paggalang sa mga matatanda hanggang sa pagkain at pag-inom. Kung ang pamamaraang ito ay nagawa ng tama, sa gayon ang mga magulang ay makikinabang, dahil sila ay makatatanggap ng gantimpala mula Allah sa bawat oras na ang kanilang mga anak ay gumagawa ng mabuting gawain. Ang mga bata ay makikinabang rin dahil sila ay bahagi ng susunod na henerasyon na balang araw ay bubuo ng sarili niyang pamilya at mag-aasawa.
Sinabi ng Allah, “At para sa mga naniniwala at na ang mga inapo ay sumusunod sa kanila sa pananampalataya, itataas Namin ang kanilang nga inapo sa kanilang antas, na hindi kailanman binabawasan ang anumang gantimpala ng kanilang mga gawa. Bawat tao ay aanihin lamang nila ang kanilang itinanim.” [52:21]
Ang samahan ng mga pamilya sa Islam ay hindi limitado sa mga magulang at mga anak, ang kadugong pamilya, nguni’t lumampas pa sa kanila.
Ipinag-utos ng Allah na tayo ay magkaroon ng ugnayan sa mga kamag-anak at mga kadugo. Ang isa sa mga unang kautusan na binigay ni Propeta Muhammad (SAWS) nang siya ay dumating sa lungsod ng Madinah ay ang makiisa sa mga ugnayang pagkakamag-anak. Iniugnay ng Allah ang paniniwala sa ugnayang pampamilya sa Qur’an, “Kaya, magagawa ba ninyo, kung kayo ay magsitalikod, ang maghasik ng katiwalian sa kalupaan at putulin ang inyong [ugnayang] kamag-anakan?
Kasama ang lahat ng nasa itaas, dapat na ito ay maging higit na malinaw na ang pamilya ay may isang mahalagang bahagi sa Islam. Kung nalulugod ang Allah sa pangkat ng pamilya at nagtataglay ng mabuting pag-uugali at asal, ang ibang mga pamilya sa kapitbahayan at komunidad ay positibong maiimpluwensyahan. Parang isang maliit na alon ang epekto kapag maraming mga pamilya ang tulad nito, at sa huli ang lipunan ay nakikinabang at mismong nagpapabuti. Ang matatag na samahan ng mga pamilya ay binabawasan ang salungat sa lipunang pag-uugali at krimen at lumilikha ng isang komunidad kung saan ang mga miyembro ay nagtutulungan sa isa’t-isa.