Skip to main content
Blogs

Ang Pagdiriwang ng Bagong Taon

Sabihin mo lang na hindi – na hindi natin ito ipinagdiriwang

May ilang mga dahilan kung bakit hindi natin dapat ipagdiwang ang Bagong Taon #39, o ang iba pang kapistahan na partikular na hindi kinikilala sa Islam. Ang ilang mga pangunahing dahilan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1.) Pag-iwas sa Idolotriya (pagsamba sa mga idolo): Sa Islam, ang pagsamba sa anumang Diyos maliban sa Allah ay mahigpit na ipinagbabawal.

Maraming mga kapistahan, kabilang ang Pagsapit ng Bagong Taon #39, ay nagmula sa mga pagano o sumasamba sa mga idolo at maaaring nauugnay sa pagsamba sa mga diyos-diyosan o mga idolo. Para sa  mga Romano, ang Bagong Taon ay isang napakahalagang araw, nguni’t ang pinaka-nakakapukaw na katotohanan, na ito ay nagmula sa kalendaryo ng Romano na hindi nagsimula sa ika-1 ng Enero, kungdi sa buwan ng Marso. At Higit sa lahat dahil ang Marso ay ang buwan na inalay kay Mars, ang Diyos ng digmaan ng mga Romano, kung saan pinaniniwalaan din na isang banal na ama ni Romulus, ang nagtatag ng Roma. Gayunpaman, si Julius Caesar ng 46 BC, kasama ang kanyang kalendaryo ng Julian, na siyang permanenteng nagtatag ng kapistahan sa ika-1 ng Enero.

Tulad ng mga tao sa kasalukuyan na ipinagdiriwang ang Gabi ng Bagong Taon, ang mga Romano ay ipinagdiriwang din nito ang gabi bago ito sumapit. 

Basahin ang  higit pa sa mga Pagdiriwang na nagsimula sa Pagano:

Mga Pagdiriwang na Nagmula sa Pagano: Ang Akademya ng Bagong Muslim (NMA) ay nakatuon sa mga Islamikong Kapistahan: Ang mga Muslim ay dapat na nakatuon sa kanilang mga pagdiriwang at pagtalima sa mga kapistahan at mga pagdiriwang na partikular na kinikilala sa Islam, tulad ng Eid-ul-Fitr (Pagtatapos ng Pag-aayuno) at Eid-ul-Adha (Pagsasakripisyo). Ang mga kapistahang ito ay may makabuluhang kahulugan at kahalagahan na nakapaloob sa Islamikong paniniwala at nagbibigay ng isang pagkakataon para sa mga Muslim na magsama-sama at ipagdiwang ang kanilang paniniwala.

Ang pagiging naiiba sa isang komunidad ng Tunay na Paniniwala sa Nag-iisang Tunay na Diyos: Si Propeta Muhammad (SAWS) ay tiniyak na itinuro sa kanyang nasasakupan na maging naiiba at hindi makibahagi sa iba pang pangrelihiyon o sekular na mga pagdiriwang na pumupuri sa kasinungalingan. Ito ay isang tuloy-tuloy na katuruan sa kabuuan ng kanyang ministeryo at isang pamana na kailangang sundin ng mga Muslim sa buong panahon.

Sa kabuuan, may ilang makabagbag-damdaming mga dahilan kung bakit hindi dapat ipagdiwang ng mga Muslim ang Bagong Taon #39 o ang iba pang mga kapistahan na hindi partikular na kinilala sa Islam – maging ito man ay paghikayat sa pamamagitan ng pagnanais para umiwas sa Idolotriya, upang tumuon sa Islamikong mga kapistahan, o upang sumunod sa mga Islamikong batas at isang mataas na antas.

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x