Ang panawagan sa panalangin ay ang anunsyong ginawa bago magsimula ang bawat limang beses na pang-araw-araw na ritwal na panalangin. Ito ay nangangahulugan na ang oras ng panalangin o Salah ay nagsimula na. Ito ay karaniwang ibinibigay sa mga Masjid upang ianunsyo ang pagsisimula ng oras ng panalangin at anyayahan ang mga mananampalataya na dumalo sa kongregasyon. Ito ay maaaring gawin saan man nais ng isang Muslim na isagawa ang obligadong panalangin (Salah), hindi limitado sa Masjid. Sa wikang Arabik, ang salitang Adzan ay nangangahulugan ng “tumawag” o “magpahayag”.
Ang panawagan sa panalangin ay ipinakilala sa komunidad ng mga Muslim matapos ang paglipat ni Propeta Muhammad (SAWS) sa Madinah. Ang pagsasagawa ng Islam ay naging pampublikong sa unang pagkakataon pagkatapos ito ay palihim sa Makkah sa loob ng labing tatlong taon dahil sa pag-uusig. Ang isa sa unang ginagawa ng mga Muslim kapag dumarating si Propeta Muhammad (SAWS) sa Madinah ay ang magpatayo ng Masjid nang sa gayon ang mga Muslim ay magsasama-samang magsagawa ng kanilang mga pang-araw panalangin sa kongregasyon.
Gayunpaman, ay kanilang napagtanto na kailangan nila ng isang paraan upang tawagan ang mga tao sa pang-araw-araw na ritwal na mga panalangin. Ito ay ang panahon bago naimbento ang mga orasan at mga relo, Tinanong ni Propeta Muhammad (SAWS) ang kanyang mga alagad para sa kanilang mga mungkahi. Ibinigay ang kanilang mga opinyon, na ang ilan ay nagmungkahi ng isang kampana tulad ng ginagamit ng mga Kristiyano, at ang iba ay nagmungkahi ng isang tambuli o torotot na dapat hipan tulad ng sa mga Hudyo. Hindi tinanggap ni Propeta Muhammad (SAWS) ang anuman sa mga mungkahing ito dahil itinuturo ng Islam sa mga tagasunod nito na maging naiiba sa kanilang pangrelihiyong debosyon at huwag gayahin ang iba.
Nang gabing iyon, ang isang tagasunod na si Abdullah ibn Zayd ay nakakita ng pangitain sa kanyang panaginip kung saan isang lalaki ang lumapit sa kanya at tinuruan siya ng mga pahayag na dapat bigkasin ng malakas bago sumapit ang pang-araw-araw na ritwal na panalangin. Pagdating ng umaga, ay ipinabatid ni Abdullah ang kanyang panaginip kay Propeta Muhammad (SAWS). Inaprubahan ni Propeta Muhammad (SAWS) ang mga pahayag na ito, dahil ang panaginip ay isang makatotohanang pangitain, at ang mga salita ay ginawang opisyal. Sinabi sa kanya ng Sugo na ituro ang mga salita kay Bilal (RA), isa sa naunang nagbalik-Islam mula sa Silangang Afrika, na may mas malakas at mas malambing na boses. Nagsagawa si Bilal (RA) ng anunsyo at naging unang lalaki na gumawa ng panawagan ng panalangin o Adzan. Sa sandaling ginawa ang anunsyo, inihayag na ang panaginip ay nakita ng maraming mananampalataya bilang kumpirmasyon ng katotohanan at Banal na pinagmulan nito.
Ang panawagan sa panalangin (Adzan) sa ilang salita ay sumasaklaw sa lahat ng mahahalagang bagay sa pananampalatayang Islam:
1.) Nagsisimula ito sa pagpapahayag ng kadakilaan at kaluwalhatian ng Nag-iisa at Tanging Tunay na Diyos.
2.) Ito ay nagpapatotoo sa Kaisahan ng Allah at sa Kanyang natatanging karapatan sa pagsamba at ganap na pagsunod.
3.) Tinatanggihan nito ang lahat ng mga huwad na diyos at ang pagsamba sa lahat ng bagay maliban sa Allah.
4.) Ito ay nagpapatotoo na si Propeta Muhammad (SAWS) ay Sugo ng Allah.
5.) Hinihikayat nito ang mga tao na isagawa ang isa sa pinakadakilang haligi ng Islam: ang pang-araw-araw na ritwal na panalangin.
6.) Ito ay nag-aanyaya sa pang-araw-araw na ritwal na mga panalangin at tinutumbasan ito ng kasaganaan,kaligtasan at tagumpay.
Maraming mga gantimpala at kabutihan ang pagsasagawa ng panawagan sa panalangin, kabilang ang:
- Ito ay lubhang kapaki-pakinabang at nagtataboy sa kasamaan at sa diyablo.
- Ang mga tumatawag ng Adzan ay may pinakamahabang mga leeg sa Araw ng Paghuhukom. Maaaring ang ibig sabihin nito ay:
- Na sila ay magiging mga pinuno sa araw na ito, gaya ng paglalarawan ng mga Arabo sa kanilang mga pinuno na may mahabang leeg na sila ay nakikita ng iba at sila ay maaari nilang makita.
- Sila ang mga higit na umaasa sa habag ng Allah bilang isang tao na pinipigilan ang kanilang mga leeg upang makita ang kanilang hinahanap.
- Sila ay magiging mas mataas kaysa sa iba sa araw na ang lahat ng tao ay magkakasamang babangon.
- Ang tumatawag ng panalangin o Adzan ay magkakaroon ng lahat ng bagay sa nilikha na nakikinig sa kanyang panawagan magpapatotoo sa kanyang pangalan sa Araw ng Paghuhukom.
- Inilarawan ni Propeta Muhammad (SAWS) ang nananawagan bilang tagapanagot, dahil siya ay pinagkatiwalaan sa pagtawag sa mga tao sa kanilang pang-araw-araw na mga panalangin at nag-aanunsyo ng pagsisimula ng oras para sa pag-aayuno at kabuuan nito.
Ang tao na nananawagan ay dapat na isang lalaki, sapagka’t ang mga babae ay hindi dapat sumigaw at itaas ang kanilang mga boses, dahil ito ay labag sa mga alituntunin ng kahinhinan. Ang nananawagan o Muadz-dzin ay karaniwang nakaharap sa direksyon ng Makkah at pagkatapos ay magsasagawa ng panawagan sa isang malakas at malambing na boses. Karaniwan niyang inilalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang mga tenga o inilalagay ang kanyang mga hintuturo sa kanyang mga tenga. Kapag narinig ng isang tao ang kanyang mga salita,inirerekomenda na ulitin ang mga ito sa pagkakasunod-sunod. Matapos na makumpleto ang panawagan, inirerekomenda na magsagawa ng ilang mga pagsusumamo, kabilang ang paghingi sa Allah ng biyaya at parangalan si Propeta Muhammad (SAWS), at manalangin para sa mga sumusunod:
“O Allah, ang Panginoon ng ganap na panawagang ito, at paanyaya, at ang nagtatag ng pang-araw-araw na ritwal na panalangin, nawa’y ipagkaloob mo kay Propeta Muhammad (SAWS) ang paraan, at ang pinaka-banal na lugar at itaas siya sa kapuri-puring posisyon na Iyong ipinangako sa kanya.” Aameen
The Call to Prayer (Athan)
Blog
The call to prayer is the announcement made before each of the five daily ritual devotions. It signifies that the time for Salah has commenced. It is typically given in mosques to announce the start of prayer time and to invite the believers to attend the congregation. It can be given wherever a Muslim wishes to perform the obligatory Salah, not limited to the mosque. In Arabic, the word athan means “to call” or “proclaim.”
The call to prayer was introduced to the Muslim community after the migration of the Messenger Muhammad to Medina. The practice of Islam became public for the first time after it was underground in Mecca for thirteen years due to persecution. One of the first things the Muslims did once the Messenger arrived to Medina was to build a mosque so that the Muslims could gather to offer their daily ritual devotions in congregation.
However, they realized they needed a way to call people to the daily ritual devotions. This was a time before the invention of clocks and timepieces. The Messenger Muhammad asked his disciples for their suggestions. They offered their feedback, with some suggesting a bell like the one Christians use, and others recommending a horn should be blown like that of the Jews. The Messenger Muhammad did not approve any of these suggestions as Islam teaches its followers to be distinct in their religious devotions and not to imitate others.
That night, one disciple by the name of Abdullah ibn Zayd saw a vision in his dream in which a man came to him and taught him statements that should be said in a call made out loud before the time of every daily ritual devotion. In the morning, Abdullah relayed his dream to the Messenger Muhammad. The Messenger Muhammad approved these statements, as the dream was a truthful vision, and the words were made official. The Messenger told him to teach the words to Bilal, an early convert from East Africa, who had a stronger and more melodious voice. Bilal made the announcement and became the first man to make the call to prayer. Once the announcement was made, it was disclosed that the dream was seen by multiple believers as a confirmation of its truthfulness and Divine origin.
The call to prayer covers all the essentials of the Islamic faith in a few words:
1. It begins by proclaiming the greatness and glory of the One and Only True God.
2. It testifies to God’s Oneness and His exclusive right to worship and absolute obedience.
3. It denies all false gods and the worship of everything besides God.
4. It testifies that Muhammad is the Messenger of God.
5. It encourages people to come to one of the greatest pillars of Islam: the daily ritual devotions.
6. It invites to the daily ritual devotions and equates it with prosperity, salvation and success.
There are many rewards and virtues of making the call to prayer, including:
- It is very rewarding and wards off evil and the devil.
- The callers of the athan will have the longest necks on the Day of Judgement. This can mean:
- That they will be leaders on that day, as the Arabs describe their leaders as having long necks so that they are visible to others and can be seen by them.
- They would be those who most look forward to God’s mercy as a person strains their neck to see what they seek.
- They will be taller than others on the day that all of mankind will be standing together.
- The caller to prayer will have everything in the creation that hears his call testify on his behalf on the Day of Judgement.
- The Messenger Muhammad described the caller as responsible, as he is entrusted with calling people to their daily ritual devotions and announcing the starting time for the fast and completion of it.
The one who makes the call has to be a male, as women are not to shout and raise their voices, as it goes against the regulations of modesty. The caller usually faces the direction of Mecca and then makes the call in a loud and melodious voice. He will usually place his hands over his ears or place his index fingers in his ears. When one hears the words, it is recommended to repeat them in sequence. After the call is complete, it is recommended to make certain supplications, including asking God to bless and honor the Messenger Muhammad, and to pray the following:
“O God, Lord of this complete call, and invitation, and of the established prescribed daily ritual devotions, grant Muhammad the means, and the most virtuous place and raise him to the praiseworthy position that You have promised him.”
___________________________________________________________________________