
Ang Pananampalataya ay ang batayan ng pagtanggap ni Allah. Ang tamang paniniwala ay ang pinakadiwa ng Islam, angbatayan ng relihiyon, atang susi tungo saParaiso. Walang kabuluhan ang pagsasagawa sa mga saligan ng Islam—ang pagsasaksi (shahadah), ang pagdarasal, ang pag-aayuno, ang pagbibigay ng zakah, at ang pagdalaw sa Makkah—kung walang pananampalataya. Samakatuwid, ang pag-unawa, ang pagsasapuso, at ang pagkilos alinsunod sa tamang pananampalataya ay panguna- hing kautusan sa bawat taong nagmimithing mapalapit kay Allah.