Skip to main content
Blogs

Ang Unang Mga Salita Mula sa Allah Kay Muhammad (SAWS)

Ang Unang Mga Salita Mula sa Allah Kay Muhammad (SAWS)

Ang Qur’an ay binubuo ng 114 na mga kabanata at mahigit 6,000 mga talata. Laging tinitingnan ng mga iskolar ng Islam ang unang rebelasyon upang makita kung paano nagsimula ang mensahe ng Islam. Alam natin na ang unang rebelasyon ay nagsimula sa buwan ng Ramadan tulad ng binanggit ng Allah sa Banal na Qur’an. Nang si Propeta Muhammad (SAWS) halos 40 taong gulang, siya ay laging pumupunta sa bundok ng Hira ng sunod-sunod na gabi. Siya ay pumupunta sa isang  kweba tungo sa tuktok ng bundok na ito upang sambahin ang Allah at magpakita ng debosyon. Hindi niya tinatanggap ang mga masamang gawain ng kanyang mga tao at ang paglaganap ng paganismo at ang kasanayan sa pamamahingang ito ay naging kaakit-akit sa kanya.

Isang gabi habang siya ay nasa kweba, ang Arkanghel na si Gabriel ay nagpakita sa kanya. Inutusan siya nito na magbasa. Si Muhammad (SAWS) bilang isang lalaking walang pinag-aralan ay sumagot na hindi niya alam kung paano ang magbasa. Pinisil siya ng Anghel na si Gabriel at pagkatapos siya ay binitiwan, inuulit ang utos na magbasa. Si Muhammad (SAWS) ay nagbigay ng parehong tugon. Pinisil at binitiwan siya ng Anghel na si Gabriel at pagkatapos ay inutusan siyang basahin ang unang mga salita ng Allah.

Ang mga salitang ito ay ang panimula ng limang talata ng kabanata 96 ng Qur’an. “Basahin mo! Sa ngalan ng iyong Nag-iisang Panginoon na lumikha sa iyo: Nilikha Niya ang tao mula sa isang nakakapit na anyo ng dugo pagkatapos maging isang patak ng semilya. Basahin mo! Ang iyong Panginoon ang Pinaka-Mabait, sagana sa kabutihang-loob at pagiging bukas-palad, na nagturo sa mga tao na magsulat at gumamit ng panulat, na nagturo sa tao ng hindi niya alam.”

Ang mga talatang ito ay naglalaman ng batayan at diwa ng mensahe ng Islam. Ipinabatid nila ang paglilingkod ni Propeta Muhammad (SAWS) bilang isang Sugo ng Allah. Naunawaan ni Propeta Muhammad (SAWS) mula sa kanila na isang nakamamanghang bagay ang ipinahayag sa kanya. Ang limang talatang ito ay nagpapahayag tungkol sa kahalagahan ng paggawa ng lahat ng bagay sa ngalan lamang ng Allah hinihingi ang Kanyang tulong, mga biyaya at proteksyon, at naaayon sa Kanyang mga kautusan at mga katuruan. Ang Mga Banal na salita ay binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-aaral, pagbabasa, pagsusulat, at pagkakaroon ng wastong kaalaman mula sa Allah dahil ito ang mga  batayan ng kaalaman at pang-unawa sa mga kautusan ng Allah.

Ipinapakita ng mga talata na ang Nag-iisang Tunay na Panginoon lamang ang karapat-dapat sa lahat ng pagsamba at debosyon. Ito ay dahil ang Allah lamang ang Tagapaglikha at ang Panginoon ng sanlibutan. Nilikha Niya ang mga tao at inilarawan ang pagbuo ng tao sa iba’t-ibang mga yugto ng buhay. Ito ay isa lamang sa maraming palatandaan ng Allah. Kaya, ang mga tao ay dapat magbalik-loob sa Allah sa pagsamba at pasasalamat sa Kanyang mga biyaya. Kapalit nito, ay ipapakita sa kanila ng Allah ang pagiging bukas-palad, kabaitan, habag at masaganang kabutihan.

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x