Skip to main content
Blogs

Angkop na Pananamit para sa Salah – ang Pang-araw-araw na Panalangin

Angkop na Pananamit para sa Salah - ang Pang-araw-araw na Panalangin

Sinabi ng Allah sa Qur’an, “O mga anak ni Adan (AS), magsuot kayo ng palamuti [maayos na damit sa pagtungo], sa bawa’t Masjid at kayo ay kumain ay uminom, nguni’t huwag kayong magmalabis, katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga mapagmalabis. O mga anak ni Adan (AS), magsuot ng malinis, payak, maganda mga kasuotan na tatakip sa iyong kahubaran kapag magsasagawa ka ng pang-araw-araw na mga panalangin at kapag umiikot ka sa Ka’ba.” [7:31]

Importante at napakamahalaga na pag-aralan ang tungkol sa angkop na pananamit at saklaw sa Salah (ang obligadong pang-araw-araw na panalangin), dahil isa ito sa mga kondisyon para sa pagtanggap sa ating panalangin (Salah). Sa maikling pagpapaskil sa blog na ito, ay ibubuod natin ang mga kinakailangan para sa angkop na pananamit sa Salah.

Una, ang damit na ating isusuot ay dapat na malinis. Makikipag-usap tayo sa ating Tagapaglikha, ang Panginoon ng Daigidig, nakatayo sa Kanyang harapan. Hindi tayo haharap sa hari o sinumang napakahalagang tao (VIP) na nanlilimahid, may maduming kasuotan. Pangalawa, ang damit ay dapat binili gamit ang malinis (halal) na salapi at nakuha sa paraang naaayon sa batas. Halimbawa, kung ang isang tao ay nagbebenta ng baboy o alkohol, ang kanyang salapi ay hindi malinis. O kung ang isang tao ay nagnakaw ng damit at isinuot ito, ang kanyang Salah ay hindi tatanggapin. 

Kapag tatayo para sa ating pang-araw-araw na mga panalangin, ang ilang mga bahagi ng katawan ay dapat na may takip. Para sa mga kalalakihan, ang damit ay dapat na takpan mula sa pusod hanggang sa tuhod, at mga balikat. Para sa mga kababaihan, ang buong katawan ay dapat takpan maliban sa mukha at mga kamay. Dagdag pa dito, ang damit na gagamitin ay dapat na maluwag – hindi masikip o manipis. Kaya ang pagsasagawa ng Salah suot ang masikip na pantalong maong ay hindi angkop para sa mga kalalakihan o mga kababaihan. 

Ang mga lalaki ay dapat mag-ingat at tiyakin na ang mga kamiseta ay sapat ang haba at ang pantalon ay hindi masyadong bitin nang sa gayon kapag yumuyuko at nakaluhod na ang mukha ay nakalapat sa sahig, ang mga bahagi ng katawan na dapat takpan (ibabang likod at likuran) ay hindi maaalis ang takip sa mga posisyong ito.

Sa pagtatapos, ay nais naming bigyang-diin na ang Salah, ang Pang-araw-araw na Ritual na Panalangin, ay isang natatanging pakikipag-usap o pagharap sa Allah.  Napakahalaga na bigyan ng natatanging pansin ng isang tao ang pagtatakip nang maayos, nang walang pagmamalabis o pagmamataas, habang malinis at propesyonal sa magagandang pang-araw-araw na obligadong pakikipag-usap na ito, na pinagpala tayong makasama ang ating Nag-iisang Panginoon, ang Pinakamapagbigay, ang Pinakamaawain. 

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x