1. Ang Ramadan ay nagdala ng maraming mga aral at mga kabutihan. Balikan natin ang ilan sa pinaka-mahalagang mga bagay.
2. Tinuruan tayo ng Ramadan na maging mabuti at matuwid.
• Sinabi ng Allah na ang layunin ng pag-aayuno ay upang dagdagan ang kabutihan at pagiging matuwid.
• Ang pag-aayuno ay isang gawaing pagsamba at ito ay ginagawa ng tapat para sa Allah at nang may malaking pagkilala sa Kanya.
3. Tinuruan tayo ng Ramadan na maging matiyaga.
• Ang pag-aayuno ng mahabang oras habang nagtatrabaho at tinatapos ang iba pang mga tungkulin na nangangailangan ng pagtitiyaga.
• Tinuruan tayo ng Ramadan na maging matiyaga sa pagsamba sa Allah.
4. Tinuruan tayo ng Ramadan na magsakripisyo.
• Isinakripisyo natin ang pagkain, pag-inom, at pagtulog sa panahon ng Ramadan upang malugod ang Allah.
• Ang pagsasakripisyo ay isang bahagi ng pagsamba.
5. Tinuruan tayo ng Ramadan na maging mapagpasalamat.
• Biniyayaan tayo ng Allah ng napakaraming mga bagay.
• Natutunan natin na higit na magpasalamat sa Allah sa tuwing naaalala natin ang Kanyang mga biyaya.
• Higit nating pinasasalamatan ang Allah sa tuwing maiintindihan natin kung ano pakiramdanan ng pinagkaitan ng mga nasabing biyaya.
6. Tinuruan tayo ng Ramadan na maging masunurin.
• Kinakailangan nating lubos na magsumikap upang makamit ang mga gantimpala ng Ramadan.
• Kinakailangan nating iwanan ang mga bagay na ating nakasanayan sa panahon ng Ramadan sa ikalulugod ng Allah.
7. Tinuruan tayo ng Ramadan na humingi ng kapatawaran sa Allah.
• Hinahangad natin ang habag ng Allah at kapatawaran sa panahon ng Ramadan.