Skip to main content

TANONG

Ano ang hatol ng Islam hinggil sa ginagawa ng ibang mga tao sa araw ng Ashura (ang ika sampong araw ng buwan ng muharram) katulad ng pagdiriwang sa araw na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng hena, pagligo, paghahanda ng ibat ibang uri ng pagkain at inumin bilang pagpapakita ng kasihayan at iba pa.

May iba naman na ginagawa nila ang araw na ito bilang araw ng pagluluksa at pagpapakita ng kalungkutan. Meron bang basehan ang mga gawaing ito o wala?

Sagot:

Tinanung si Shaykhul Islam ibnu Taymiya tungkol sa isyu na ito at siya ay sumagot;

Ang lahat ng papuri ay wagas lamang para kay Allah na panginoon ng sanlibutan. Walang anumang nakasaad patungkol dito na anumang tamang hadith mula kay Propeta Muhammad ﷺ ni mula sa kanyang mga kasamahan o mga sahabah, hindi rin ito ipinahintulot ng kahit na sinumang Imam ng mga muslim…

Ngunit may mga naisalaysay mula sa mga nabuhay sa mga sumunod na huling henerasyon na mga hadith…. kagaya ng sinasabi nila na kung sinuman ang maligo sa araw ng ashura ay hindi siya magkakasakit sa taong iyon, at marami pang iba na kagaya nito. Sila rin ay nagsalaysay ng ibat ibang hadith patugkol sa kahigtan ng pagsalah sa araw ng Ashura.

Kasunod na tinalakay ni Shaykhul Islam Ibnu taymiya ang dalawang ligaw na sekta (grupo) na nakatira sa bayan ng kufa sa Iraq na kanilang ginagawang kaarawan ang Ashura.

Una; ang sekta ng mga rafida (shia) na nagpapakita ng kanilang pagsuporta sa pamilya ni Propeta Muhammad ﷺ o ahlul bayt, na sa katotohanan sila ay mga malahida (mga walang relihiyon) o di kaya ay mga zanadiqa (mapagpanggap na mga tao), maari ding sila ay mga mang-mang na mga tao o di kaya ay mga taong ang kanilang sinusunod ay ang kanilang sariling pagnanasa.

Ang pangalawang sekta naman ay ang nasiba (mga taong naglantad ng kanilang pagkasuklam) kay Ali at sa kanyang mga kasamahan, bunga ng naganap na labanan sa panahon ng fitna. … Nabanggit din ni shaykhul islam ang tungkol sa mga naganap na patayan at kaguluhan sa pagitan ng dalawang sekta sa bayan ng kufa. Tinalakay din ni shaykhul Islam ibnu taimiya ang tungkol sa

mga taong sinulatan nila si Husain at nangako sila sakanya na sila ay susuporta sakanya kung siya ang tatayo bilang pinuno ng mga muslim. Subalit ang totoo sila ay kabaliktaran ang kanilang ginawa, bagkus noong ipinadala niya sakanila ang kanyang pinsan ay nilabag nila ang kanilang pangako dahil wala sila ipinakitang anumang pagsuporta….

Samantalang ang opinyon ng mga taong nagmamahal kay husain katulad ni ibnu abbas at ni ibnu umar at iba pa na nagbigay ng payo kay husain na huwag tumuloy sakanila at huwag niyang tanggapin ang anumang alok nila dahil sa pananaw nila ang pagtungo ni husain sa kufa ay hindi kailanman makakabuti, at nangyari nga ang kanilang sinabi, subalit ang anumang naganap ay pawang pagtatakda mula sa Allah at iyon ay kanyang Qadr.

Kaya noong nagtungo si husain at kanyang nakita na nagbago na ang lahat, hiniling niya na sa kanila na hayaan na lamang nila siyang bumalik (sa madinah), o di kaya ay hayaan na lamang nila siya na magjihad sa ilang bahagi ng border ng bansang sakop ng Islam, o di kaya ay hayaan na lamang nila siya upang magtungo sa kanyang pinsan na si Yazid. Sumabit tinanggihan nila siya mula sa kahit na anumang kanyang hiling. Dahil nais nila na sumuko sa kanila si husain bilang kanilang bihag. Kung kaya nakipaglaban sila sa kanya at siya rin ay nakipaglaban sa kanila hanggang sa siya ay kanilang mapatay kasama ang kanyang mga kasamahan. Na kung saan siya ay napatay na pinaglapastanganan at bilang martir na ito ay isang karangalangalan sa kanya ng Allah (I) upang siya ay mapabilang sa kanyang kapamilya sa Jannah. At ang kanyang pagkamatay ay magiging dahilan ng pagpaparusa sa mga naglapastangan sa kanya at naging dahilan ng maraming kasamaan sapagitan ng mga tao.

Dahil dito nabuo ang isang grupo ng mga walang kaalaman na lumalabag na sila ay marahil mga mapagpanggap sa islam, o di kaya ay mga ligaw na nagpappanggap ng kanilang pagsuporta kay husain at sa kanyang pamilya, na kanilang ginawang kaarawan ng pagluluksa ang ika sampong araw ng muharram. Na kanilang pinapakita dito ang mga tanda ng mga jahiliya (kapanahunan ng mga walang alam sa relihiyon) kagaya ng pagsampal sa mukha, o pagpunit ng kanilang damit, at pagluluksa sa paraan ng mga jahiliya.

Samantalang si Allah at ang Kanyang Propeta ay kapwa nag- utos na ang dapat na gagawin sa oras ng pagsubok –kapag ito ay bago pa- ay ang magtiis o magsabar, ang asahan ang kabutihan mula kay Allah at ang pagsabi ng inna lillahi wainna ilaihi rajiun. Kagaya ng sinabi ni Allah sa Qur’an:

الَّذِينَ إِذَا أَصَابَتْهُم مُّصِيبَةٌ قَالُوا إِنَّا لِلَّهِ وَإِنَّا إِلَيْهِ رَاجِعُونَ (156) أُولَٰئِكَ عَلَيْهِمْ صَلَوَاتٌ مِّن رَّبِّهِمْ وَرَحْمَةٌ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُهْتَدُونَ (157)

Ibig sabihin; (at balitaan ng mabuti ang mga nagtitiis! Sila yaong mga taong kapag may nangyari sa kanila na isang pagsukok ay kanilang sinasabi inna lillahi wainna ilaihi rajiun – kami ay nagmula kay Allah at kami ay babalik din sa Kanya- sila ang mga magtatamo ng pagpupuri mula sa kanilang panginoon, at mapapasakanila din ang Kanyang habag at siya ay mapapabilang sa mga magagabayan). (al-baqara; 25).

Nakasaad din mula kay Propeta Muhammad ﷺ na siya ay

nagsabi: (hindi kabilang sa atin ang nagsasampal ng kanyang pisngi –sa oras na may nangyaring di mabuti- at di rin kabilang sa atin ang nagpupunit ng kanyang damit, at nananalangin sa paraan ng mga jahiliya). Sinabi din niya: (wala akong anumang ugnayan sa mga taong sinasampal nila ang kanilang mga pisngi, nagkakalbo ng kanilang mga buhok, at nagpupunit ng kanilang mga damit).

Sinabi din niya na (ang isang babaeng nagluluksa sa pamamagitan ng pagsisigaw at hindi nagTawbah bago siya namatay siya ay muling babangon sa kanyang libingan na siya ay may suot na pantalon na gawa sa alkitran at ang kanyang damit ay balat na puno ng pamamaga).

Nakasaad din sa aklat na almusnad na si Fatimah bint alhusain ay narinig niya ang kanyang ama na si husien na nagsabi; narinig ko si Propeta Muhammad ﷺ nagsabi; “sinuman ang taon dinatnan ng sakuna at kanyang naalala ang nangyari sakanya kahit pa ito ay matagal na at dahil dito alalahanin niya ang Allah sa pamamagitan ng pag-istirja (pagsabi ng; inna lillahi wainna ilayhi rajiun) bibigyan siya ng Allah ng kabutihan katulad din ng gantimpala na ibibigay sakanya noong oras na dumating sakanya ang pagsubok “.

Dahil dito ang nangyari kay Husien ay isang pagpaparangal ng Allah para sa mga mananampalataya, sapagkat ang sakunang nangyari kay Husien at sa iba pa ay kapag naalala ito ng pagkalipas ng mahabang panahon nararapat sa mananampalataya ang sabihin niyang; “inna lillahi wainna ilayhi rajiun” kagaya ng inutos ng Allah at ng kanyang Propeta upang matamo niya ang gantimpala kagaya ng gantimpala ng taong tinamaan ng pagsubok noong ito ay nangyari).

Kaya kung ang Allah ay nag-utos na dapat magsabar ang taong tinamaan ng pagsubok sa oras ng pangyayari nito papano na kapag lumipas na ang mahabang panahon.

Dahil dito ang anumang panlilinlang ni shaytan sa mga taong naligaw kagaya ng paggunita sa Ashura bilang araw ng pagluluksa, at ang lahat ng kanilang ginagawa katulad ng pag- iiyak at pagsisigaw, pagsasatula ng mga tula, pagsasalaysay ng mga salaysay na naglalaman ng maraming kasinungalingan at ang katotohanan lamang nito ay walang iba kundi ang muling pagbubuhay ng kalungkutan, paghahasik ng galit at gyera at paggawa ng fitna sa pagitan ng mga taong humaharap sa qibla, maliban pa dito; ito rin ay nagiging dahilan ng pagkasuklam ng mga huling henerasyon sa mga sinaunang henerasyon… na kung saan walang sekta sa islam ang labis ang kanilang pagsisinungaling, paggawa ng fitna at pakikipagsabwatan sa mga kalaban ng islam na higit pa sektang ito na ligawa mula sa tamang landas. Sapagkat sila ay mas masahol pa sa mga khawarij na nag- aaklas sa mga pinuno. At sila na ang sinabi patungkol sa kanila ni Propeta Muhammad ﷺ; (Pinapatay nila ang mga sumusunod sa islam, at hinahayaan nila ang mga sumasamba sa mga diyos diyosan). Subalit sila (mga rafida) ay nakikipagsabwatan kasama ang mga hudyo at kristyano at mga pagano laban sa mga kapamilya ng Propeta Muhammad ﷺ at ang kanyang mga tagasunod ng mga mananampalataya, katulad din ng pakikipagsabwatan nila noon sa mga paganong Tatar sa Baghdad at sa iba pang lugar na pinaghasikan nila ng kasamaan na ang naging biktima ay ang mga kapamilya ni Propeta Muhammad ﷺ na mga anak ng pamilya abbas, at liban pa sa kanila na mga kamag-anak ng Propeta Muhammad ﷺ na kanilang pinagpapatay, binihag, at winasak nila ang kanilang mga tahanan. At ang kasamaan ng mga taong ito at ang kapinsalaang idinulot nila sa islam ay hindi halos mabilang ng maralitang tao sa pagsasalita.

Kabaliktaran naman nila ang mga taong nawasib na may poot

kay Husein na nagpapanggap ng kanilang suporta kay husien at sa kanyang mga kasambahay, o di kaya ay mga taong mga walang alam na kinuntra nila ang kasamaan sa pamamagitan din ng kasamaan, at ang kasinungalingan sa pamamagitan din ng kasinungalingan, at ang bidah sa bid-ah, na sila ay nag-iwan ng bakas ng pagdiriwang sa araw ng Ashurah katulad ng paglalagay ng hena at iba pang paraan ng pagpapakita ng kasiyahan na karaniwang ginagawa sa tuwing may okasyun.

Kaya ang taong taong iyon ay ginawa nilang kaarawan ang araw ng Ashura na kanila itong gunugunita katulad ng paggunita nila sa araw ng Eid.

Samantalang ang iba naman ay ginagawa nila ang araw ng

Ashura bilang araw ng pagluluksa at pagpapakita ng kalungkutan.

Na kung saan ang dalawang grupo na ito ay kapwa nagkamali na nilabag nila ang Sunnah. Kahit paman ang kalagayan ng mga rafida ay mas matindi ang kanilang kasamaan at kamang- mangan…

Samakatuwid sinabi ni propeta Muhammad ﷺ; “katotohanan! Ang sinumang mabubuhay sainyo ay tiyak na makakakita ng maraming pagkawatak-watak, kung kaya sundin ninyo ang aking Sunnah, ang Sunnah ng mga khulafa arrashidin pagkatapos ko. Panghawakan ninyo ito ng mabuti… at iwasan ninyo ang pagbabago sa relihiyon, dahil ang lahat ng pagbabago sa relihiyon ay kaligawan).

At hindi kalianman naipag utos ni Propeta Muhammad ﷺ at hindi rin kabilang sa Sunnah ng kanyang mga khulafa arrashidin ang anumang gawain sa Ashura…..

Subalit noong dumating ang Propeta sa madina natagpuan niya roon ang mga hudyo na nag-aayuno sa araw ng Ashura at siya ay nagtanong; anu ang dahilan ng inyong pag-aayuno sa araw na ito? Sabi nila; ito ang araw na niligtas ni Allah si Musa mula sa pagkalunod kaya kami nag-aayuno. Kung kaya si Propeta Muhammad ay nagsabi; “kami ang higit na tagapagsunod ni musa kumpara sainyo, kung kaya siya ay nag-ayuno at kanyang ipinag- utos ang pag-aayuno sa araw na ito”….

At ang bilang ng araw na kanyang inutusan ang mga tao para mag-ayuno ay isang araw lamang, sapagkat siya ay dumating sa madina sa buwan ng rabiul awwal, at sa sumunod na taon siya ay nag-ayuno sa Ashura at kanyang ipinag-utos ang pag-aayuno sa araw na ito, hanggang sa dumating ang kautusan sap ag-aayuno sa buwan ng Ramadhan sa taon ding iyon na naging dahilan upang mapawalang bisa ang pag-oobliga sa pag-ayuno sa Ashura….

Tinalakay din ni shaykhul islam na matapos ang pag-oobliga sap ag-ayuno sa Ramadan ay naging optional na lamang ang pag- aayuno sa araw ng Ashura, ibig sabihin dipende na lang sa tao siya ay mag-mag-ayuno sa araw na ito o hindi.

Nakasaad na si propeta Muhammad ay nagsabi; (ang araw na ito ng ashurah, ako ay mag-aayuno sa araw na ito, at kung sinuman ang maynais na mag-ayuno sa arw na ito ay maari siyang mag-ayuno). Kayundin kanyang sinabi; (ang pag-aayuno sa araw ng ashurah ay makakapagpatawad sa mga kasalanan sa lumipas na isang taon, at ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay makakapagpatawad sa kasalanan sa dalawang taon).

At sa bandang huli ng buhay ni Propeta Muhammad ﷺ at nalaman niya na gunugunita parin ng mga hudyo ang ashurah sinabi niya; kung mabubuhay pa akong hanggang sa susunod na taon ay tiyak na mag-aayuno ako sa ikasiyam na araw ng muharram. Ito ay upang suwayin niya ang mga hudyo at upang hindi niya sila magaya sa kanilang paggunita sa araw na ito….

Yan ang naging Sunnah ni Propeta Muhammad ﷺ, na kung saan ang lahat ng maliban diyan kagaya ng paghahanda ng pagkain o di kaya ay pag-aalay ng kaukulang ibadah sa araw na ito kagaya ng salah o iba pa o pagkatay ng hayop at iba pang mga gawain na lahat nito ay pawang mga bid’ah o pagbabago sa relihiyon na hindi kailanman ipinag-utos ni Propeta Muhammad ﷺ at ng mga khulafa arrashidun. Kayundin walang ni isaman mula sa mga imam ng Islam ang nagmungkahi ng mainam ang mga gawaing ito. Dahil ang islam ay nakatayo sa dalawang pondasyon; una; ang walang ibang dapat sambahin kundi si Allah, pangalawa; hindi Siya sasambahin maliban na lamang sa paraang ipinahintulot Niya. Kaya hindi natin Siya maaring sambahin sa pamamagitan ng Bid’ah..

Sinabi ni Allah;

فَمَن كَانَ يَرْجُو لِقَاءَ رَبِّهِ فَلْيَعْمَلْ عَمَلًا صَالِحًا وَلَا يُشْرِكْ بِعِبَادَةِ رَبِّهِ أَحَدًا (110)

Ibig sabihin; (kung sinuman ang umaasa na kanyang makakaharap ang kanyang Rabb (panginoon) ay nararapat na siya ay gumawa ng mabuti at huwag siyang gumawa ng kahit na sinumang katambal ng kanyang Rabb sa kanyang pagsamba).

At ang mabuting gawa ay ang anumang nalulugdan ni Allah at ng kanyang Propeta, na ito ay ang mga ipinag-utos na gawain o di kaya ay iminumungkahi itong gawin o sunnah, kaya nga si Umar (radiyallahu anhu) ay nagsabi sa kanyang panalangin; “O Allah! Gawin mo pong tama ang lahat ng aking mga gawain, at gawin mo rin itong wagas lamang para saiyo, at huwag mong gawin na may bahagi pa mula dito ang iba na kahit na anuman”.

Tingnan; fatawa shaykhul islam, vol (5).

#NewMuslimPH

www.NewMuslimAcademy.ph

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x