Mga Katanungan na Madalas Itanong
Lahat ba ng mga aralin ng NMA ay talagang "libre"?
Ang mga aralin ng NMA ay (at palaging magiging) libre. Para parangalan ang natatanging paglalakbay mo at pagaanin ang pagkatuto at pagkakaalam, nagpasya ang NMA na ibigay ang lahat ng serbisyo at aralin, pagtuturo, pangkalahatang live session, atbp. – nang lubos na libre sa anumang bayarin. Saan ka mang dako ng mundo, o ano man ang budget mo, layunin naming makamtan mo ang pagkatuto at pagkakaalam sa lahat ng oras!
Gaano kadalubhasa at kahusay ang mga tagapagturo ng NMA?
Bawat tagapagturo ng NMA ay lubhang edukado at dalubhasa sa kanyang tanging larangan ng pag-aaral. Mayroon silang malakas na academic background at malalimang praktikal na karanasan kaya ang mga paraan nila ng pagtuturo ay pangkabuuan at kasiya-siya para sa mga estudyante. Ikinasisiya rin nila ang itinuturo nila at makikita ito dahil palagi silang nariyan para sagutin ang mga tanong ng mga estudyante. Tingnan ang Bio Page para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga background ng lahat ng ating tagapagturo. (Pumindot dito)
(Click here)
Saan naroon ang mga aralin ng NMA?
Ang mga aralin ng NMA ay makakamtang lahat online – walang takdang oras ni lugar para sa mga aralin ng NMA. Magsisimula ang mga klase kapag handa ka na, binabagayan nila ang sarili mong schedule, at ikaw ang magpapasya kung kailan lalabas ang klase. Dahil ang lahat ng klase ay ibinibigay online, maaari kang mag-enroll saan man sa mundo.
Ano ang kakailanganin ko para lumahok/magpa-enroll?
Ang kakailanganin mo lamang para makapagsimula sa iyong paglalakbay kasama ng NMA ay isang high-speed Internet connection at isang email address. Kapag naka set up ka na, madali ka nang magsimula sa iyong mga aralin ayon sa iyong bilis at makikita mo na ang mga materyales at mga suportang ipinagkakaloob namin ay marami – mula sa downloadable PDF documents, hanggang sa mga video lecture, mga forum ng estudyante, mga patimpalak para sa mga estudyante, atbp. Bawat aralin ay nagbibigay ng buo at balanseng karanasan ng pagkatuto para sa estudyanteng bagong Muslim.
Bago sa akin ang Arabic. Sasali ba ako sa pag-aaral ng Pagbigkas ng Qur'an?
Ang ating aralin sa Pagbigkas ng Qur’an ay para sa mga wala pang kaalaman sa wikang Arabic at hinihimok natin ang mga estudyante ng lahat ng antas na mag-enroll. Matututunan ng mga estudyante ang tamang pagbigkas ng Surah Al-Fatihah kasama ng ilang maikling surah (kabanata) ng Qur’an. Nagbibigay tayo ng mga live session para sa maliit na grupo ng mga estudyante para magkaroon sila ng pagkakataong maisaulo ang mga kabanatang ito sa direktang pagbigkas ng mga ito sa harap ng guro. Ang mga tagapagturo ay nariyan para sa dagdag na tulong sa buong aralin at makasasama mo hanggang sa lubusan mong matutunan ang mga kabanatang ito.
Nabibigatan ako sa dami ng materyales na ibinibigay ng NMA, saan ako magsisimula?
Dadalhin ka namin sa isang proseso ng pag-aaral at pinapatnubayang kurikulum na batay sa iyong sariling schedule at mga layon ng pag-aaral, at bibigyan ka ng lahat ng kakailanganin mo para mapanatili ang natutunan mo. Dahil hindi namin ninais na pabigatan ka ng lahat ng mga materyales, maaari kang palaging makipag-ugnayan sa amin kung kakailanganin mo pa ng karagdagang tulong kaugnay sa anumang materyales ng aralin o sa problema sa schedule.
Ano ang mangyayari kung hindi ko nakumpleto ang mga pag-aaral ko?
Dadalhin ka namin sa isang proseso ng pag-aaral at pinapatnubayang kurikulum na batay sa iyong sariling schedule at mga layon ng pag-aaral, at bibigyan ka ng lahat ng kakailanganin mo para mapanatili ang natutunan mo. Dahil hindi namin ninais na pabigatan ka ng lahat ng mga materyales, maaari kang palaging makipag-ugnayan sa amin kung kakailanganin mo pa ng karagdagang tulong kaugnay sa anumang materyales ng aralin o sa problema sa schedule.
Ano ang mangyayari kung hindi ko nakumpleto ang mga pag-aaral ko?
Nauunawaan namin na ang kalagayan sa buhay magkaminsan ay nagbibigay sa iyo ng higit na kaunting panahon para iukol sa pag-aaral kaysa sa una mong inaasahan. Kaya naman maaari mo pa ring kunin ang mga hindi nakumpletong aralin sa kasunod na cycle ng pag-aaral. Dahil ang pag-aaral ay pang-isang buwan lamang, ang kasunod na panahon ng pagpapa-enroll ay palaging nariyan lamang. Maaari mo ring ulit-ulitin ang pagkuha ng aralin para manatiling sariwa ang kaalaman mo at muling balikan ang mga konseptong baka nakalimutan mo na.
Maaari ko bang makontak at maka-chat ang mga gaya ko sa pamamagitan ng NMA?
Ang NMA ay mayroong mga estudyante mula sa lahat ng dako ng mundo at nakikipag-ugnayan kami sa kanilang lahat sa pamamagitan ng aming mga Student Forum. Ito ay isang tagpuang online kung saan maaaring magtanong ang mga estudyante, talakayin ang nilalaman ng mga aralin, magbahagi ng pagkaunawa, at mag-alok ng suporta sa isat’t isa. Ang interaksyon sa iyong mga tagapagturo ay isang malaking bahagi ng mga Student Forum, dahil nakatutulong ang mga ito sa pagpatnubay sa iyo at iyong mga kasama sa pamamagitan ng mga talakayan.
Anong uri ng interaksyong guro/tagapagturo-estudyane ang ibinibigay ng NMA?
Lubhang pinagmamalasakitan ng NMA ang mga yumakap sa Islam at pinahahalagahan ang karanasan nila bilang mga bagong Muslim. Kaya naman, nais naming tiyakin ang lubos mong pakikinabang sa mga pag-aaral mo. May mga tanong ka man tungkol sa aralin o hangad na lalong maunawaan ang mga konsepto, ang mga tagapagturo ay handang tugunin ang mga tanong mo sa panahon ng mga Live Session o sa mga Student Forum (kung saan matatanggap mo ang suporta at pagkaunawa ng iyong tagapagturo, mga consultant, at iyong mga kasama na rin). Maaari ka ring direktang makipag-ugnayan sa iyong mga tagapagturo sa email.
Matutulungan ba ako ng NMA kung mahaharap ako sa problema kaugnay sa pagyakap ko sa Islam?
Maraming bagong Muslim ang nahaharap sa mga isyung kaugnay sa pagyakap nila sa Islam, panloob at panlabas. Iyan ang dahilan kung bakit nagbibigay ang NMA ng malalimang sangguniang one-on-one na paglilingkod ng ating staff na may mataas na kasanayan upang maharap at matulungang malutas ang anumang isyung kakailanganin mo ang suporta. Bilang isang pinahahalagahang kaanib ng komunidad ng NMA, palagi kang mapaliligiran ng mapagmalasakit at handang umalalay na staff, mga tagapagturo, mga scholar, at mga kaklase. Ang kailangan mo lamang gawin ay makipag-uganyan sa kahit isa sa amin para makuha ang mahalagang suportang kakailanganin mo.
SectionKanino ako dapat makipag-ugnayan tungkol sa mga usaping teknikal at mga pangkalahatang katanungan?
Makipag-ugnayan lamang sa aming Help Desk sa [email protected] sa Globe – 00639062526440 | Smart – 00639397710622 (9 AM – 5 PM) para sa iyong mga pangkalahatang katanungan, mga isyung teknikal, o mga alalahanin tungkol sa iyong account information (gaya ng password, login info, mga pagbabago ng profile, atbp.). Maaari ka ring makipag-ugnayan sa amin para makaugnay ang ating mga consultant kung gusto mo ng one-on-one na tulong kaugnay sa anumang isyu, at ikagagalak naming makapagbigay sa iyo ng tulong.
Ano Ang Ramadan
Ipinagbabawal: kumain, uminom, o makipagtalik mula madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw, magsinungaling, manlinlang, gumamit ng masasamang salita, magalit, makinig o manood ng masasamang bagay.
Pinahihintulutan: Kumain ng kaunting pagkain (pagkain bago magmadaling-araw at sa pagputol ng pag-aayuno), magbigay ng kawang-gawa, magbasa ng Qur’an, dagdagan ang pagsamba, alalahanin ang Allah, magbahagi ng pagkain, dagdagan ang mabubuting gawain, magsumikap upang lumikha ng bagong mabubuting gawi.
Maliban sa pagdarasal at pagbabasa ng Qur’an, maaari ka bang magbigay ng iba pang mga bagay upang masulit ang buwang ito?
- Magbigay ng Kawang-gawa
- Manalangin
- Alalahanin ang Allah
- Tumulong sa iba
- Pag-aralan at Magbasa ng mga Paksa tungkol sa Islam