Ang Qur’an, bilang banal na salita ng Allah, ay nararapat sa lubos na paggalang at pagpupuri. Marunong ka mang magbasa sa kasalukuyan o hindi, narito ang ilan sa mga mahalagang alituntunin kapag nakatuon sa Qur’an sa nakasulat na anyo. Ang Qur’an sa nakasulat na anyo ay tinawag na isang ‘Mushaf’. Habang ikaw ay umuunlad sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kalooban ng Allah, maaaring dumating ang panahon na mababasa mo ang Quran sa nakasulat na Arabik na anyo mula sa isang ‘MusHaf. Hanggang sa oras na ito, ay dapat mong basahin ang pagsasalin sa iyong lengguwahe. Maaari ka ring makakita ng mga pagsasalin na mayroong salitang Arabik na kasama ng mga pagsasalin. Lahat ng mga pagpapasya na naaangkop sa nakasulat na salitang Arabik ng Quran ay maaaring hindi naaangkop sa mga pagsasalin o mga kopya na may parehong Arabik at mga pagsasalin. Tatalakayin natin sa ibaba ang mga partikular sa Arabik na Qur’an sa nakasulat na anyo nito, ang ‘MusHaf’.
Makabubuting ring gawin ang pangkalahatang kagandahang-asal ng Quran na nakasulat sa Arabik sa pagsasalin bilang paggalang. Ito ay magsisilbi sa dalawang layunin sa pagpapalakas ng iyong pagmamahal at paggalang sa Qur’an at ihanda ka rin sa panahon na matutunan mo itong basahin sa wikang Arabik mula sa ‘Mushaf’.
- Magalang na Paghawak:
- Laging tratuhin ang ‘Mushaf’ na may paggalang at pangangalaga, kapwa sa kung paano mo ito dinadala at kung saan mo ito ilalagay.
- Tiyakin na ang ‘Mushaf’ ay inilalagay sa isang malinis at kagalang-galang na lugar, malayo mula sa makalat o anumang sitwasyon kung saan maaaring hindi sinasadyang hindi iginagalang.
- Paglilinis Bago Hawakan
- Bago hawakan ang ‘Mushaf’, dapat na ikaw ay nasa estado ng ritwal na paglilinis.
- Kung ikaw ay walang kakayahan na maging malinis (tulad ng isang babae na nasa kanyang buwanang dalaw) gumamit ng isang guwantes (o isang bagay na katulad) upang hawakan ito, o basahin mula sa isang telepono o tablet.
- Tandaan: Ang ritwal na paglilinis ay hindi kailangan sa paghawak ng isang libro na mayroon lamang pagsasalin ng Qur’an.
- Ang ritwal na paglilinis ay hindi kailangan para magbasa mula sa mga kagamitang elektroniko tulad ng mga telepono, tablet, laptop, at iba pa.
- Magsimula sa Paghingi ng Kanlungan
- Simulan ang iyong pagbabasa ng Qur’an sa pamamagitan ng pagbigkas ng panalangin ng paghingi ng proteksyon, ‘Ako ay humihingi ng kanlungan sa Allah mula sa isinumpang Si Satanas.’
- Kung ito ay ang simula ng isang kabanata, bigkasin ang panalangin ng pagsisimula, ‘Ako ay nagsisimula sa ngalan ng Allah, ang Pinaka-Maawain, ang Pinaka-Mahabagin.’
- Mahinahon na Pagbigkas at Maingat na Pagbabasa
- Huwag magmadali sa iyong pagbigkas ng Qur’an sa wikang Arabik, basahin ng mahinahon. Gayundin, basahin ng mahinahon ang pagsasalin at nag-iisip, nagmumuni-muni sa mga talata.
- Malambing na Tono
- kung ikaw ay nasa yugto kung saan maaari mong basahin ang Qur’an sa Arabik, subukan mong bigkasin sa malambing na tono kung kaya mo.
- Hinihikayat ito ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah).
- Hindi ito naaangkop sa pagbabasa ng mga pagsasalin.
- Paggalang sa Qur’an
- Tandaan na ang Qur’an ay isang direktang komunikasyon mula sa Allah. Hawakan ito na may paggalang at pagpapakumbaba.
- Naiintindihan mo man ang nakasulat na Arabik o hindi, mahalaga ang iyong tapat na layunin.
Nawa’y ang iyong koneksyon sa Qur’an ay mapuno ng mga pagpapala at kaliwanagan.
*Ang NMA ay nagbibigay ng libreng live na pag-aaral sa maliit na grupo na may paraan ng pagtuturo na natatanging dinisenyo para sa mga bagong Muslim. Mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa [email protected] para matutunan kung paano sumali sa mga pag-aaral na ito.