
Sa Qur’an, ipinabatid sa atin ng Allah ang pag-uusap sa pagitan ni Propeta Abraham (AS) at nang kanyang ama. Inanyayahan ni Propeta Abraham (AS) ang kanyang ama na sambahin ang Allah at tahakin ang Kanyang Landas, ang Islam. May ilang mga aral na makukuha natin mula sa mga talatang ito, bilang mga Bagong Muslim na may mga magulang na di -Muslim.