Ang Kasaysayan ni Propeta Job (AS) ay inulit sa Qur’an dahil sa kahalagahan nito at mga aral na makukuha natin dito. Narito ang ilan sa pangunahing mga aral na nagmula sa kasaysayang ito:
Sinusubukan ng Allah ang mga tao sa iba’t-ibang mga paraan, ang iba ay sa kaginhawahan at ang iba ay sa kahirapan. Kaya ang isang tao ay maaaring subukan tulad ng nangyari kay Propeta Job (AS), ng isang karamdaman o pansariling kalamidad, o maaari silang subukan ng kaginhawahan, tulad ng isang masaganang kayamanan. Ang bawat isa sa atin ay sinusubukan, nguni’t ang mga pagsubok ay maaaring magkaiba. Hindi ito ang pagsubok, gaya ng paraan ng pagtugon at reaksyon ng isang tao dito na tunay na mahalaga. Ang halimbawa sa itaas, ang isang tao na tulad ni Propeta Job (AS), ay naghirap sa kanilang kalusugan, ay kayang magtiis, maging tapat at mapagpasalamat sa Allah; kung saan malalagpasan nila ang pagsubok dahil patuloy silang napapalapit sa Allah. Sa kabilang banda, ang isang tao na may malaking kayamanan ay maaaring gamitin ito upang mang-api ng iba at gamitn sa masama ang kanilang kayamanan, ang pagiging mayabang at pagkakaroon ng masamang pag-uugali; ang taong ito ay nabigo sa kanilang pagsubok.
Para sa tunay na nananampalataya, tulad ng sinabi ni Propeta Muhammad (SAWS), sa parehong kaginhawahan at kahirapan, ay tinitingnan nila kung paano malulugod ang Allah. Sa panahon ng kaginhawahan, ay dinaragdagan nila ang pagsamba at pagpapasalamat, at sa panahon ng kahirapan, ay dinaragdagan nila ang pagsamba at pagtitiis. Sa alinmang paraan, ay tinitingnan nila kung paano malulugod ang Allah. Ito ang aral na matatagpuan sa kabuuan ng mga kasaysayan ng mga Sugo sa Banal na Qur’an. Kahit anong pangyayari o sitwasyon, sila ay nananatiling matatag sa pananampalataya at pagsamba sa Allah.
Mula sa pangunahing mga aral sa kasaysayan ni Propeta Job (AS) ay ang laging magtiwala sa Allah at sa Kanyang mga plano. Si Propeta Job (AS) ay hindi nawalan ng pag-asa matapos ang unang ilang mga buwan o mga taon. Minsan, huli ang pagtugon ng Allah sa isang kadahilanan o iba pa. Ito ay isang malaking sukatan sa katapatan ng isang tao at pagsamba na sila ay patuloy na umasa sa habag ng Allah matapos ang mga taon ng paghihirap, taliwas sa isang taong umaasa lamang sa habag na ito para sa ilang mga araw o mga linggo.
Bahagi ng paniniwala sa Allah at pagtitiwala sa Kanya ay ang sundin ang praktikal na mga hakbang. Si Propeta Job (AS) ay nagpatuloy sa kanyang buhay at nalagpasan o napagtagumpayan ang kanyang sitwasyon sa tulong ng kanyang maybahay. Siya rin ay nagpatuloy sa panawagan sa Allah at nagsumamo sa Kanya, gamit ang mga awa at habag na katangian ng Allah.
Ang kaalaman na may malaking plano ang Allah at may karunungan na hindi natin alam, ay nagbibigay ng pakiramdam na kasiyahan. Dagdag pa dito, ay ipinabatid sa atin ni Propeta Muhammad (SAWS) na ang pasakit at paghihirap ay pumapawi sa mga kasalanan kaya tayo ay nagtitiis. Marahil, ay ginagamit ng Allah ang mga pagsubok na ito para linisin tayo sa ating mga kasalanan sa buhay na ito nang sa gayon ay makamit natin ang Kanyang gantimpala sa kabilang buhay. Tayo ay sinusubukan din ng Allah bilang isang paalala at isang paraan para madagdagan natin ang ating mabubuting gawa at itaas ang mga antas ng gantimpala sa Kabilang Buhay.
Ang isa sa pinakamalaking mga aral ng kasaysayan ni Propeta Job (AS) ay ang pagtitiis. Si Propeta Job (AS) ay matiisin sa paghihirap, pagdurusa sa sakit, pagkawala ng kayamanan at kaginhawahan, pagkawala ng mga kaibigan at pamilya. Ang bawat isa sa mga kawalang ito ay magiging isang malaking pagsubok sa sarili, nguni’t sabay-sabay ang mga ito ay lubhang mahirap at isang malaking kasawian. Sa kabila nito, si Propeta Job (AS) ay patuloy na nagpakita ng pagtitiis, pagkakabatid na tutulungan siya ng Allah.Sinabi sa atin ng Allah,
“At katiyakan, kayo ay Aming susubukan upang ihayag ang mga nagsumikap ng husto sa inyo at [naging] matatag; At Aming susubukan ang katapatan ng iyong mga gawa.” [47:31]
Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad (SAWS) na kung may pagtitiis ay may kaginhawahan.