
Maraming mga aral ang maaari nating matutunan mula sa talambuhay ni Maria. Narito ang ilan sa mga ito:
- Pagsamba sa Allah bilang isang pinakamahalagang bagay sa buhay. [3:43]
- Taos-pusong paniniwala at isang buhay na umiikot sa paglilingkod at pagpapasakop sa Allah, [66:12]
- Pagtitiyaga sa mga kautusan ng Allah at pagiging kontento sa anumang kapasyahan ng Allah, [19:19-21]
- Ang pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok at paghihirap, at sa harap ng pagsalungat ng iba. [19:26]
- Kalinisang-puri, pagiging mahinhin, at hindi pagsuko sa mabuting pag-uugali. [66:12]
Ang pagtitiwala sa Allah na magkakaloob, tumutulong at magbibigay ng banal na proteksyon sa lahat ng pagkakataon nang walang limitasyon. [3:37]