Inutusan tayo ng Allah na isipi ang Kanyang nilikha sa Quran. Ang kalikasan sa paligid natin ay isa sa mga bagay na dapat nating pag-isipan. “Hindi ba nila sinusulyapan ang kalangitang nasa kanilang itaas, kung paano Namin ito itinayo at pinalamutian ito, at [paanong] ito ay walang [makikitang] siwang [o awang]? At ang kalupaan, ito ay Aming inilatag [nang malawak] at nagtirik doon ng mga bundok na matatag, at doon ay nagpatubo ng bawa’t uri ng naggagandahang [mga halamang] magkakapares. [Ito ay bilang] isang [magandang] tanawin at isang babala sa bawa’t alipin [tao] na nagbabalik-loob [sa Allah] sa pagsamba.” [50:6-8] Ang Quranikong kautusan na ito ay nariyan dahil sa kalikasan ay may maraming mga palatandaan na nagtuturo sa kaisahan, kataas-taasang kapangyarihan at kamaharlikahan ng Allah. Ang mga palatandaang ito ay nagpapahiwatig ng kapangyarihan ng Allah at ang kagandahan sa Kanyang mga nilikha.
Makikita natin ang kagandahan ng mga nilikha ng Allah at ang Kanyang kapangyarihan at kakayahan kapag tumingala tayo sa langit, at sa loob nito ay ang araw, buwan at mga bituin. Ang paghalili ng araw at gabi, kung saan ang una ay oras para sa pagtatrabaho at pagiging aktibo, at ang huli ay ang oras para sa pagpapahinga at pagpapagaling. Ang lagay ng panahon na ating nararanasan, mula sa magandang init ng araw, hanggang sa pabugsu-bugsong ulan na kailangan natin para mabuhay, hanggang sa masarap na simoy ng amihan at hangin, hanggang sa mas matinding panahon ng niyebe, yelo at hamog na nagyelo; lahat ay palatandaan ng Allah.
Nakikita natin ang mga palatandaan ng Allah sa mundo sa lahat ng nakapaligid sa atin, mula sa naglalakihang kabundukan, hanggang sa napakalaki at napakalawak na karagatan at dagat, hanggang sa malalagong kagubatan at kasukalan at nakalantad na disyerto. Ang bawat isa sa mga tirahan at lupain na ito ay may sariling kagandahan. Ang bawat isa ay tahanan ng maraming hayop at nilalang. May kakayahan tayong kumuha mula sa lupa at karagatan, mga mineral at mahahalagang metal. Kinuha natin ang ating mga pagkain mula sa lupa at karagatan, maging ito ay ang pagkain na ating itinatanim, o ang mga hayop at isda na ating kinakain.
Sa loob ng bawat nilalang at mga hayop, ang panlipunang istruktura nito, ang tirahan kung saan ito nabubuhay at ang mga mapanlikhang paraan nito, sa paraan ng pangangaso, pag-unlad at ang pagdami ng mga hayop, lahat ay mga palatandaan ng kapangyarihan ng Allah. May mga hayop na nabubuhay lamang sa tubig, at ang iba ay nabubuhay lamang sa lupa at pagkatapos ay ang iba na maaaring maglayag pareho. Sa mundo ng mga hayop, may mga nilalang na may dalawang paa, ang iba ay may apat, at ang iba ay walang mga paa na nagpapadulas habang sila ay gumagalaw.
Kapag tinitingnan natin ang ating sarili, nasasaksihan natin ang maraming palatandaan ng kapangyarihan ng Diyos sa ating sariling nilikha. Mula sa ating mga puso hanggang sa ating utak, sa ating paningin at pandinig, sa paraan ng pagtibok ng ating mga puso o sa paraan ng pagdaloy ng dugo sa ating katawan; at higit pa sa mga ito, lahat ay mula sa mga pagpapala ng Allah. Ang bawat isa sa mga gawaing ito ng katawan at ng kanilang mga sarili ay natatangi at napakahalaga. Kung wala ang pinakamaliit na bilang ng isang daliri o isang bahagi na may pinakamaliit na tungkulin ay mapagtatanto natin ang ating kahinaan. Nagiging mahirap ang ating buhay kung magaganap ang pinakamaliit na hadlang.
Sinabi ng Allah, “Kanyang nilikha ang mga kalangitan ng walang mga haligi na inyong nakikita, at nagtirik sa kalupaan ng matatatag na mga bundok upang ito ay hindi magpalipat-lipat na kasama ninyo. At Kanyang ikinalat doon ang bawa’t uri ng nilikhang gumagala. At Aming ibinaba mula sa langit ang tubig [ulan], at Aming ginawang tumubo mula roon ang bawa’t marangal na uri [ng halaman]. Ito ang ng Allah. Kaya, inyong ipakita sa akin ang anumang nilikha niyaong [inyong mga sinasamba] bukod sa Kanya. Nguni’t, ang mga mapaggawa ng kamalian ay nasa hayag na pagkaligaw.” [31:10-11]