Skip to main content
BlogsRamadan

MGA PAGHAHANDA SA BUWAN NG RAMADAN #NewMuslimPH

1.) Pagnilayan ang pansariling layunin para sa buwan na ito at planuhin kung paano sulitin ang oras na ito para pang-espiritwal na paglago.

2.) Sikapin na maging mas mulat at maingat sa iyong mga pagkilos at mga pananalita, dahil ang Ramadan ay isang panahon para sa mas mataas na pagtitimpi at pagmumuni-muni sa sarili.

3.) Gawin itong payak. Huwag magsayang ng oras sa kung ano ang bibilhin at pag-iisip tungkol sa pagkain.

4.) Ugaliing magdagdag ng karagdagang pagsamba sa iyong araw tulad ng boluntaryong panalangin (Salah), higit na pagbabasa ng Qur’an, at iba pa.

5.) Magsagawa ng kusang-loob na pag-aayuno bago magsimula ang buwan. Narinig mo na ba ang tungkol sa isang tao na tumakbo sa isang mahabang patimpalak ng pagtakbo (marathon) na walang pagsasanay?

6.) Maglaan ng oras para sa mga karagdagang panalangin at pagsamba, tulad ng pagbabasa ng Banal na Qur’an at makibahagi sa iba pang mga gawaing pagsamba.

7.) Kung maaari, planuhing magbakasyon mula sa trabaho o paaralan sa panahon ng huling bahagi ng Ramadan para magbigay ng karagdagang oras sa pagsamba.

8.) Makipag-ugnayan sa mga kaibigan, pamilya, at komunidad para sa suporta at paghihikayat sa buwan ng Ramadan.

9.) Kung ikaw ay may kakayahan, isaalang-alang ang pagbibigay ng regular na donasyon sa isang kawang-gawa o iboluntaryo ang iyong oras para sa pagtulong sa mga nangangailangan sa panahon ng Ramadan.

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x