Mga Sagradong Lungsod
Tulad ng mga tao na may iba’t-ibang mga bagay na sinasamba at pinaniniwalaan na ginagawa nila, ang mga tao ay may iba’t-ibang mga sagradong lungsod na iginagalang at binibisita para sa pagsamba sa buong mundo. Ang Islam ay iba. Ang Allah ay ang Nag-iisang Tunay na Diyos at Siya lamang ang Nag-iisa na may karapatan na magtalaga ng pagiging sagrado ng anumang lugar at magbigay ng pahintulot sa anumang gawaing pagsamba. Itinalaga ng Allah ang ilan sa mga lugar at pinili ang mga ito na maging espesyal. Binigyan tayo ng Allah ng tatlong sagradong mga lugar sa Islam. Ang mga ito ay ang Makkah, Madina at ang Jerusalem