Skip to main content
Blogs

Ngayon ikaw ay Nanay na!

Ang pagpapanatili sa antas ng iyong pananampalataya (Imaan) pagkatapos manganak

Sinabi ng Allah sa Surah Al-Duha:

“Ang iyong Nag-iisang Panginoon (O Propeta) ay hindi ka iniwan, o Siya ay napoot sa iyo. At ang buhay sa kabilang buhay ay tunay na higit na mahusay kaysa sa buhay na ito. At (tiyak) na ang iyong Nag-iisang Panginoon ay bibigyan ka ng higit na ikaw ay malulugod. Hindi ka ba Niya natagpuan na isang ulila pagkatapos ikaw ay binigyan ng tahanan? Hindi ka ba Niya natagpuan na naliligaw pagkatapos ikaw ay ginabayan? At hindi ka ba Niya natagpuan na nangangailangan pagkatapos ikaw ay pinagkalooban ng iyong mga pangangailangan? Al-Qur’ān, 93:3-8

At sinabi ng Allah sa Surah Al-Sharh:

“Hindi ba Namin pinasigla ang iyong puso para sa iyo (O Propeta), pinagaan ang iyong kahirapan, kung saan ito ay mabigat na nakaatang sa iyong likuran, at iniangat para sa iyo ang iyong katanyagan.” Al-Qur’ān, 94:1-4

Sa mga talatang ito, nagbigay ang Allah ng mga paalala sa pananaw para sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa iba’t-ibang mga tulong ng Allah. Ang pananaw ay ang susi at ang gagawing pagsunod ang siyang makakatulong sa akin na malunasan at magtiyaga sa pinagdadaanang ito.

1. Ngayon ay may sarili ka ng tungkulin – Ang pagiging isang ina. Dapat na ito ay magpatibay sa iyong pananampalataya dahil pinarangalan ka ng Allah. Ang ina ay mas higit na pinarangalan kaysa sa ama. Kaya, kung lalapit sa iyo si Satanas na may masamang balak na ikinagalit mo ito, tandaan na itinaas ng Allah ang iyong antas sa pamamagitan ng iyong anak at ikaw ay Kanyang pinarangalan.

2. Tandaan na matatagpuan mo ang Allah sa mga taong nangangailangan, tulad ng mga mahihirap at nagugutom. Sa parehong paraan, kung ang isang ina ay inaruga ang kanilang anak, ay dapat niyang maramdaman na naroon ang Allah. Dapat niyang isipin na ang pagpapakain niya sa kanyang sanggol ay isang ibadah at na ang pagpapalit niya sa sanggol ay ibadah. Ito ay magbibigay ng karagdagang boluntaryong gawaing pagsamba na dati na niyang ginawa. Maaari natin itong maihantulad sa pamamagitan ng pagkilala sa pamamaraan na gagantimpalaan tayo ng Allah. Sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah):

“Ang isang tao na mag-aruga at tumulong sa isang balo at sa isang mahirap na tao, ay tulad ng isang mandirigma na lumalaban para sa kapakanan ng Allah o tulad ng isang tao na nag-aayuno sa araw at nagdarasal sa buong gabi.” Saḥīḥ al-Bukhārī, (hadith 6006).

Ang hadith na ito ay tumutukoy sa isang balo, na may kakayahan pang maglakad, kumain at maglinis ng kanyang sarili, kaya isipin ang gantimpala sa pag-aaruga ng isang sanggol. Maaari natin itong ituring na ang isang ina ay nag-aayuno sa buong araw at nagdarasal sa buong gabi, dahil hindi natin pinagdududahan ang habag ng Allah (Subahanahu wa Ta’ala). Sa halip, ay may pag-asa tayo na, sa pamamagitan ng tamang layunin, ay maaari nating makamit ang gantimpalang ito. Hilingin natin sa Allah na ang ating mga pagsisikap ay maging dahilan na makamit ang gantimpala ng nag-aayuno at tumatayo sa paraan ng Allah.

3. “Tinutulungan ng Allah ang Kanyang mga alipin hanggang tinutulungan niya ang kanyang mga kapatid.” Saḥīḥ Muslim

Ang isang tao na tinutulungan ng kanyang kapatid, ay tinutulungan ng Allah. Ang isang ina na inaalagaan ang kanyang anak, tinutulungan ang iba pang mananampalataya, at kanyang matatagpuan na tinutulungan siya ng Allah. Ang anak na ito ay isang pagkakataon para sa iyo upang bumuo ng isang kakaibang ugnayan sa Allah na hindi mo makakamit sa ibang paraan. Huwag mong ituring ang isang anak na sagabal sa iyong ibadah; sa halip, ituring siya na isang dahilan ng pag-angat ng iyong antas sa paningin ng Allah.

4. Ngayon ay may pag-asa ka ng makarating sa Paraiso o Jannah sa pamamaraan na hindi mo magagawa nang wala ang iyong anak. Dati, ay kaya ko lamang sambahin ang Allah sa pamamagitan ng ilang mga pagkilos, nguni’t ngayon, ay kaya ko ng magsumikap para sa Jannah sa paraang di ko kailanman magagawa kung hindi ako biniyayaan ng anak.

Sa pamamagitan ng gawaing pagsamba, ang ilan nito ay tulad ng mga bato at hindi kailanman dapat iwan, anuman ang mga pangyayari:

1. Ang limang beses na pang-araw-araw na pagdarasal – sa tamang oras. Kung ikaw ay nahihirapan sa Sunnah, basahin kung ano ang iyong kaya mula sa Sunnah at hangarin na bumuo mula dito.

2. Ang pang-umaga at pang-gabing adhkar o panalangin.

3. Isang bahagi ng Qur’an – kung Dati ay lagi mong binabasa ang isang Juz, nguni’t sa ngayon ay kaya mo lamang ang isang ikapat, may pag-asa tayo sa Allah na gagantimpalaan Niya ito tulad ng pagbabasa mo ng isang Juz.

Alhamdulillah, sa paglipas ng panahon, ang mga ina ay may kakayahang ayusin at bumuo ng bagong mga gawain. Habang ginagawa ito, ay napakahalaga na magtakda ng layunin para sa iyong sarili at sa iyong anak, sa gayon ay hindi ka mag-aaksaya ng oras at tatamarin sa iyong ibadah.

#NewMuslimPH

www.NewMuslimAcademy.ph

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x