Skip to main content
Blogs

Paano maging Isang Ganap na Muslim ?

Ang lahat ng Papuri ay tanging sa Allah lamang.

Kabilang sa mga kagandahan ng Islam ay ang katotohanan na sa relihiyong ito ay walang mga tagapamagitan sa ugnayan sa pagitan ng isang tao at ang kanyang Nag-iisang Panginoon.

Ang pagpasok sa relihiyong ito ay hindi napapalooban ng anumang espesyal na mga seremonya o mga pamamaraan na dapat gawin sa harap ng sinumang tao, ni hindi ito nangangailangan ng pahintulot ng sinumang partikular na tao. Ang pagiging isang Muslim ay napakadali at ito ay kayang gawin ng sinuman kahit na siya ay mag-isa lamang sa disyerto o sa isang nakakandadong lugar. Ang tangi lamang gawin ay ang bigkasin ang dalawang magandang pangungusap na bumubuo sa kahulugan ng Islam at kabilang dito ang pahayag na ang isang tao ay alipin ng kanyang Nag-iisang Panginoon at na isinusuko niya ang kanyang sarili sa Allah at kinikilala na Siya (Allah) ang kanyang Nag-iisang Panginoon, Nagbibigay ng tulong at Tagapagtanggol na nagtatakda para sa kanya, anuman ang Kanyang nais; at na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) ay alipin at Sugo ng Allah na dapat niyang sundin tungkol sa kung ano ang ipinahayag sa kanya mula sa Allah. Sinuman ang magsabi ng magkasamang mga pahayag na ito ng pananampalataya, na may pananalig at paniniwala sa mga ito, ay nagiging isang Muslim, kabahagi ng lahat ng mga karapatan at mga tungkulin na mayroon ang ibang mga Muslim. Pagkatapos nito ay maaari na niyang agad na simulang gawin ang mga bagay na ginawang obligado ng Allah, tulad ng limang beses na pagdarasal araw-araw sa itinakdang oras, pag-aayuno sa buwan ng Ramadan, at iba pa.

Mula rito ay dapat na maging malinaw sa iyo na maaari ka agad maging isang Muslim, kaya bumangon ka, maligo at bigkasin ang Shahadah:

“Ash-hadu an laa ilaaha ill-Allah wa Ash-hadu anna Muhammadan ‘Abduhu wa Rasooluhu.

Ako ay sumasaksi na walang ibang dyos maliban kay Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo

#NewMuslimPH
www.NewMuslimAcademy.ph

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x