
Narito ang mga aspeto na dapat isaalang-alang sa pagpapalaki ng mga anak:
Manalangin sa Allah para sa ating mga anak – Ito ang pinaka-mahalagang kasangkapan ng pagiging magulang. Hilingin sa Allah na gabayan sila, pangalagaan sila, tulungan sila, palakasin ang kanilang pananampalataya at pagkalooban sila ng tagumpay. Ito ay dapat na isang pangkaraniwang pangyayari.
Magpakita ng isang magandang halimbawa – Kung gusto mo na ang iyong mga anak ay kumilos sa wastong na paraan, kailangan mong manguna sa pamamagitan ng halimbawa at ipakita ang parehong pag-uugali. Ginagaya ng mga bata ang pag-uugali at ginagaya ang nakikita nilang ginagawa ng mga matatanda.
Isang magandang kapaligiran – Ang isang Islamiko at positibong kapaligiran ay mahalaga. Ang isang kapaligiran kung saan inaalala ang Allah, binabasa ang Qur’an, isinusulat at pinag-aaralan din ito at kung saan itinataguyod ang mga tuntunin ng Islam.
Kabaitan at kahinahunan – Ito ang kakulangan pagdating sa pakikitungo sa iba, kahit na sa mga taong hindi kilala, huwag ng isama ang sarili nating mga anak. Maraming mga tao ang mababait at magalang sa iba at mahigpit at malupit sa kanilang sariling mga anak. Ang ating mga pamilya ang pinaka karapat-dapat sa ating mabuting pag-uugali.
Disiplina upang mapabuti – Sa ilang mga pagkakataon kung saan ang ilang uri ng disiplina ay kinakailangan, ito ay kailangang balanse at makatarungan, na may layuning mapabuti at tumulong, at hindi para magalit at manghiya.