
Minamahal naming mga Kapatid na Bagong Muslim,
Kung nababahala ka tungkol sa paparating na Ramadan, dapat mong malaman na ang iyong nararamdaman ay tunay at normal. Maraming mga bagong Muslim ang dumaranas ng magkahalong mga emosyon dahil ang pinagpalang buwan ay paparating, lalo na kung ang nakaraang mga karanasan ay naging hamon. Ngayon, magkaroon tayo ng tapat na pag-uusap tungkol sa katotohanan ng pag-aayuno at kung paano lakbayin ang mga ito na may biyaya at pag-asa..
Pagkilala sa Iyong Nararamdaman
Una at higit sa lahat, dapat mong malaman na ang nararamdamang pagod, pagkabalisa, o pag-aalinlangan tungkol sa Ramadan ay ganap na pangkaraniwan. Hindi mo kailangang itago ang mga nararamdamang ito o pakiramdam na nagkasala tungkol sa hindi nararanasang pananabik na maaaring ipakita ng iba. Ang mga pagsubok na ito ay totoo, at ang pagkilala sa mga ito ay isang mahalagang bahagi ng iyong paglalakbay.
Pag-unawa sa Pisikal na Nararamdaman
Ang mga pisikal na pagsubok ng pag-aayuno ay tunay at maaaring kabilang ang:
- Mga pagsakit ng ulo at pagkapagod
- Mga sandali ng pagkayamot o pagkainis (oo, ang pagiging “iritable o bugnutin” ay tunay na bagay!)
- Malabong kaisipan at mas mabagal na pag-iisip
- Ang tunay na pagkaramdam ng gutom at uhaw
Tandaan, na ang mga nararamdamang ito ay dumarating na tila mga alon. Tulad ng pag-alon ng karagatan, tumataas at bumababa ang mga ito sa buong araw. Sa paglipas ng panahon, ang iyong katawan ay nasasanay, at ang mga pagsubok ay kadalasang nagiging mas madaling pigilan. Huwag ikumpara ang iyong paglalakbay sa mga nag-aayuno ng ilang dekada – dahil ang landas ng bawat isa ay natatangi.
Paglalakbay sa Panlipunang mga Pagsubok
Mga Pagbabago sa Pamilya
Kung ikaw ay nag-aayuno kasama ng mga miyembro ng pamilyang hindi Muslim, mayroon kang mga pagpipilian:
- Lumikha ng isang mapayapang lugar sa inyong tahanan para sa pagsamba at pagmumuni-muni
- Pag-isipan kung ibabahagi mo ang iyong karanasan sa pamilya batay sa kanilang pagtanggap
- Maingat na planuhin ang iyong mga pagkain at oras ng pagsamba
Paghahanap ng Komunidad
Habang ang pag-aayuno sa isang di-Islamikong lipunan ay maaaring makaramdam ng pagkailang, may mga paraan upang lumikha ng koneksyon:
- Makipag-ugnayan sa mga lokal na Muslim o Masjid
- Kumonekta sa mga komunidad sa online
- Manood sa panlipunang medya ng mga panalangin mula sa Makkah o Madina upang madama na konektado sa mas malawak na komunidad ng mga Muslim
- Maglaan ng isang lugar para sa panalangin at pagmumuni-muni sa iyong tahanan
Mga Praktikal na Payo para sa Tagumpay
- Ihanda ang iyong katawansa pamamagitan ng pagsasagawa ng pag-aayuno bago ang Ramadan
- Tumutok sa wastong pag-inom ng tubig sa mga oras na hindi nag-aayuno
- Planuhin ang oras ng iyong trabaho para makapaglaan ng oras sa pahinga at pagsamba
- Gumawa ng isang gawain na magbibigay balanse sa iyong mga obligasyon na may pang-espirituwal na pangangailangan
Isang Mensahe ng Pag-asa
Tandaan, ang pag-aayuno ay sinadya para maging mapaghamon – tulad ng pag-eehersisyo, ang kahirapan ay bahagi ng kung ano ang nagpapabago dito. Ngunit kung paanong ang ehersisyo ay nagbibigay ng mas mabuting kalusugan, ang pang-espirituwal at personal na pag-unlad mula sa pag-aayuno ang bawat sandali ng pakikibaka ay kapaki-pakinabang.
Huwag hayaan na ang nakaraang mga karanasan ay ihalintulad sa iyong darating na Ramadan. Bawat taon ay nagdadala ng mga bagong pagkakataon para sa pag-unlad at koneksyon sa Allah. Kapag naging mahirap ang mga bagay, humingi ng tulongksa Allah at tandaan na ang pagsubok na ito ay pansamantala nguni’t ang mga gantimpala nito ay walang katapusan.
Hindi Ka Nag-iisa
Maging ito man ang iyong unang Ramadan o hinahanap mo pa rin ang iyong daan, tandaan na ikaw ay bahagi ng isang pandaigdigang komunidad. Ang iyong pakikibaka ay naiintindihan, ang iyong mga pagsisikap ay pinahahalagahan, at mahalaga ang iyong paglalakbay. Gawin ang bawat araw sa pagdating nito, ipagdiwang ang maliliit na tagumpay, at maging mabuti sa iyong sarili habang tinatanggap mo ang magandang gawaing ito ng pagsamba.
Tandaan, ayos lang na kailanganin ang tulong. Makipag-ugnayan sa amin sa NMA. Maaari mo ring hanapin ang iyong lokal na komunidad ng mga Muslim, makipag-ugnayan sa ibang mga bagong Muslim sa online, o humingi ng patnubay mula sa mga pinagkakatiwalaan at kwalipikadong guro. Sama-sama, maaari nating gawing makabuluhan at pagbabagong karanasan, mga pagsubok at lahat ang Ramadan na ito.
Nawa’y gawing madali ng Allah ang Ramadan na ito sa iyo at tanggapin ang lahat ng iyong pagsisikap, parehong malaki at maliit. Aameen
#NewMuslimPH