Skip to main content
Blogs

Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)

Ang mga ritwal na paglilinis (Wudu) ay laging ginagamitan ng tubig. Ito ay nakapaloob sa mga pangkaraniwang pangyayari. Gayunpaman, minsan ang tubig ay hindi maaaring gamitin. Ito ay maaaring dahil sa kawalan o kakapusan ng tubig, maging dahil sa tagtuyot o habang naglalakbay at ang isang tao ay mayroon lamang sapat na tubig para minimum at gamitin sa pagluluto at hindi dapat para sa ritwal na paglilinis.

Maaari din na ang isang tao ay hindi maaaring gumamit ng tubig sa katawan o mga bahagi nito dahil sa isang pinsala, at ang tubig ay papalalain ang pinsala ng sugat.

Sa mga kasong ito, ay binigyan tayo ng Allah ng pribilehiyo na magsagawa ng tuyong ritwal na paglilinis [Ang Tayyammum].

Sinabi  na Allah, “…Kung ikaw ay may karamdaman at natatakot na ang iyong karamdaman ay lumala o tumagal ang paggaling nito, o kung ikaw ay nasa isang paglalakbay kahit na ikaw ay walang karamdaman, o kung ikaw ay nasa estado ng mababang ritwal na karumihan, tulad ng pagkatapos gumamit ng palikuran, o nasa estado ng pangunahing ritwal na karumihan, tulad ng pagkatapos makipagtalik, at wala kang makitang tubig para linisin ang iyong sarili, sa kabila ng paghahanap nito (ng tubig), sa halip ay gumamit ng lupa sa pamamagitan ng paghampas nito ng iyong mga kamay at pagkatapos ay ipunas sa ibabaw ng iyong mga mukha at pagkatapos ay ipunas ito sa ibabaw ng iyong mga kamay.” [5:6]

Ang Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum) ay isinasagawa gamit ang malinis na lupa o anumang bagay na likas na matatagpuan sa ibabaw ng lupa. Kabilang dito ang buhangin, mga bato, at iba pa. Ang lupang gagamitin ay dapat na malinis, at walang nakahalong anumang dumi dito.

Ang paraan ng pagsasagawa ng tayyammum ay ang mga sumusunod:

1.    Dapat kang magkaroon ng intensyon  sa iyong  sarili na magsasagawa ng   paglilinis ng karumihan. Ang intensyon ay nasa puso at hindi binibigkas.

2.    Sabihin ang ‘Bismillah’ (nagsisimula ako sa pangalan ng Allah).

3. Dahan-dahang hawakan ang lupa o isang maalikabok na ibabaw ng parehong mga kamay.

4.    Ihipan ang mga kamay at iwaksi ang anumang meron dito, upang hindi maalikabukan ang mukha.

5.    Linisan ang mga palad, pagkatapos ang mukha, at pagkatapos ay ang mga palad at likod ng mga kamay hanggang sa mga pulso.

Ang Tayyammum [tuyong ritwal na paglilinis] ay isinasagawa kapalit ang normal na ritwal na paglilinis [wudu] para sa gawaing pagsamba na maaaring gamitin, tulad ng pagdarasal o Salah.

Sa pagsasagawa ng Tayyammum, ang isang tao ay mananatili sa estado ng ritwal na kadalisayan tulad sa normal na paglilinis [wudu], hanggang sa masira ito sa isa sa mga nagpapawalang-bisa ng ritwal na paglilinis o kung may magagamit ng tubig o maaari ng gamitin.

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x