Skip to main content
Blogs

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐˜€๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—บ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—œ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ?

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐˜€๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—บ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—œ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ?

๐˜๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช; ๐˜‹๐˜ณ. ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ ๐˜ˆ๐˜ด๐˜ฉ-๐˜ด๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฒ๐˜ข๐˜ธ๐˜ช
๐˜๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜•๐˜”๐˜ˆ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜›๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฎ

Ang isang pangkaraniwang muslim na walang malalalim na kaalaman patungkol sa islam tungkulin niya na pag-aralan ang patungkol sa Islam mula sa mga maalam (ahlul ilm) at tungkulin din niya na magtanong sa mga iskolar patungkol sa mga hindi niya nauunawaan, gayundin nararapat na kumuha siya ng Fatwa mula sa sinumang taong mapagkakatiwalaan sa kanyang pananampalataya.

Na sa lahat ng pagkakataon na yaun ay walang ibang hinahangad ang isang muslim kundi ang matamo ang hatol ng Allah at ng Kanyang propeta. At kapag malinaw na sakanya ang katotohanan mula sa pahayag ng Allah at ng Kanyang propeta ay hindi na maari pa na tatanggihan niya ito dahil lamang sa sinabi ng sinuman sa mga tao. Ito ay dahil isinatungkulin sa atin ng Allah na sundin lamang natin ang anumang Kanyang ipinahayag at ipinahayag ng Kanyang Propeta.

Subalit kapag walang malinaw na hatol mula sa Allah at mula sa Kanyang propeta patungkol sa isang usapin na ang usaping ito ay kabilang sa mga usapin na nagkakaiba ang opinyon ng mga iskolar patungkol dito; sa ganitong sitwaston tungkulin ng isang muslim ang sundin niya kung anu sinu ang higit na mapagkakatiwalaan sa kanyang pananampalataya at sakanyang Gawain.

Kung kaya kapag hindi nagkaisa ang pananaw ng mga maalam sa Islam patungkol sa isang usapin tungkulin ng bawat muslim na sundin niya ang sinuman sa paningin niya ang mas higit na malapit sa katotohanan at sa tamang pananaw, kagundin sundin niya kung anu ang mas higit na panatag sa kanyang loob, ito ay batay sa ipinahayag ni Propeta Muhammad (๏ทบ); (Tanungin mo ang iyong sarili kahit ka pinagpasyahan ka na nga mga tagapagpasya (mga mufti) iniulat ni bukhari, at kanya ding sinabi; (ang kabutihan ay ang mabuting pag-uugali, at ang kasalanan ay ang anumang bumubulong sa iyong sarili at anumang kinaayawan mong malaman ng mga tao). Iniulat ni Muslim.

Hindi maaring sundin ng isang muslim ang anumang pagpapahintulot ng kahit na sinuman sa mga maalam sa islam o di kaya ay sundin niya kung anu lamang ang madali mula sa lahat ng mga paaralan ng fiqh, sapagkat ito ay hindi magandang pag-uugali na dito nabubuo ang lahat ng kasamaan, dahil mayroong mga nagsilabasang fatawa ang ginagawa nitong Halal ang anung Haram.

Hindi rin maari sa sinumang muslim ang gayahin na lamang niya isang kaukulang tao mula sa mga iskolar sa lahat ng kanyang sinasabi. Dahil dito kapag may dumating sa isang muslim na isang makabagong usapin patungkul sa islam tungkulin niya ang magtanong mula sa sinumang nakikita niyang magbibigay sakanya ng tamang hatol mula sa Allah at Sakanyang propeta. Bilang pagsunod niya sa sinabi sa Qur’an;

๏ดฟ ููŽุงุณู’ุฃูŽู„ููˆุง ุฃูŽู‡ู’ู„ูŽ ุงู„ุฐูู‘ูƒู’ุฑู ุฅูู†ู’ ูƒูู†ู’ุชูู…ู’ ู„ูŽุง ุชูŽุนู’ู„ูŽู…ููˆู†ูŽ ๏ดพ [ุงู„ู†ุญู„: 43]

Ibig sabihin; (magtanong kayo sa mga taong maalam kung kayo ay hindi nakakaalam). {surah annahl; 43}.

Source: https://www.alukah.net/sharia/0/95328/

______________

#newMuslimPH

www.NewMuslimAcademy.ph

o.m@newmuslimacademy.ph

Kami po ang kasama ninyo pag katapos ng Shahadah ! Kung may katanungan mag email lang po sa [email protected]

Subscribe
Notify of
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x